Madalas ka bang malate? Madalas ka rin bang hindi nakakatapos ng trabaho o ng assignments mo? Madalas ka rin bang kinakapos sa pera at lubog sa utang?
Bakit ka late? “Traffic.”
Bakit hindi ka pa tapos sa work or assignment mo? “Dami kong ginagawa, busy masaydo.”
Bakit ka kapos sa iyong kinikita at lubog sa utang? “Liit ng sweldo o allowance.”
Gusto mo ba malaman ang tunay na dahilan?
Being late is a habit! Not finishing your work is a habit! Not having enough and being in debt is a habit!
In other words, HABIT LANG YAN!
Madalas ka rin bang uminom, manigarilyo, magsugal, mag-party, — hmm, sounds familiar ba? How about biting of nails, eating junk food, non-stop facebook-ing, or spending too much time on TV?
One thing that is common among these examples they are ALL BAD HABITS. How do bad habits develop?
Simple lang, kahit anong sobra, makakasira sa tao, o makakaapekto sa ibang tao kapag paulit-ulit mo itong ginagawa, at naapektuhan na iyong trabaho o pag-aaral mo.
Meron akong kakilala na lumaki sa isang all boys school; at bilang mga feeling binata at malalakas ang loob, sinubukan nila ang pakiramdam ng umiinom ng alak maski 16 palang sila. Ang reason nila, wala namang masama, “Tikim-tikim lang.” Enjoy daw nila yung thrill na nagagawa nito, kasi tatakas sa magulang, ginagamit ang baon pambili, dadalin ng patago sa school, at pag nalasing, hindi na nakakapasok sa klase at nakakalimot.
Hanggang sa gumraduate sila sa pag-iinom at nag explore na ng yosi, from yosi to marijuana, to shabu until naging adik na. Ang feeling nila na pwede nilang tigilan ang pag-iinom, pag-yoyosi o pag-drodroga anytime they like. But the problem is, na hook na sila at hinahanap na ng kanilang sistema. Pero paano ba ito nagsimula? Sa patikimtikim, until such time naging HABIT!
Kahit anong ginawa niya ay parati niyang sinasabi na, “AYOKO NA TALAGA NG BISYO.” Titigil lang ng ilang araw, pero babalik din ito kung tinawag na ng kanyang addiction. And IT HAS ALREADY BEEN A VICIOUS CYCLE FOR HIM.
Many of us have tried to change a bad habit, but were unsuccessful, until such time we admit that we have a problem and we ask for help, then that is the time we can start changing.
Kung gusto mo ng makawala sa bad habit mo, these are some of my tips for you.
ADMIT YOU HAVE ADDICTION PROBLEMS
Aminin mo na addicted ka na sa ginagawa mo. Whether we like or not, we are all addicted to something. Ang tanong lang, kung good or bad? Until such time na aaminin natin na may issues tayo, hindi ito maayos. Mahirap gamutin ang isang taong may sakit, kung hindi niya aaminin na wala siyang karamdaman.
ASK FOR HELP
Humingi ka nag tulong sa tao at sa Diyos. Sa totoo lang, hindi mo kayang magbago! Kung kaya mo, matagal mo ng naayos yan. The reason wala pa ring pagbabago is because you are still fixing and doing it on your own. You need people who can help you stop and walk it out. People who you can be accountable to. You need also God, to step in your life, to help you to walk it out!
ADJUST TO A NEW HABIT
You must form a new habit, then the new habit will form us.
Kung dati late ka matulog dahil sa kapapanoond ng series or kaka-facebook, pilitin mong maaga kang matulog by reading good books. Kung dati madalas kang uminom na kasama mo ang mga kabarkadas mo, iwasan mo muna sila. Sa ibang kaibigan na may magandang influence na muna ang samahan mo. Kung dati ang dalas mong magsugal sa casino, huwag ka munang pumunta at pumunta ka muna sa simbahan o sa mga fellowship groups.
THINK.REFLECT. APPLY.
Ano ba yung gusto ko baguhin?
Handa ka na bang umamin at humingi na tulong?
Kailan mo na gusto magsimula?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, dealing with relationships within family, friends, work and other people and financial management techniques to name a few. He continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines and being a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article bring light to you? You can also check out other related posts on how to have a better lifestyle:
- Tips To Have A Healthy Happy Life
- HUWAG PA HIJACK SA CELLPHONE ADDICTION
- How to Stop Addiction?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.