Ang mundo ay hindi isang garden. Ito ay isang jungle. Tanggapin natin ang katotohanan na ang buhay ay masaya ngunit ito rin ay puno ng pait dahil hindi lahat ng gusto natin ay makukuha natin.
Kung ikaw ay nag-aapply ng trabaho, at hindi ka matanggap-tanggap.
Kung ikaw ay naghahanap ng investor, walang nagiging interesado.
Kung ikaw ay humihingi ng tulong, walang handang tumulong.
Kung ikaw ay nanliligaw, madalas kang ma-friend zone.
Minsan sa buhay, tayo ay nakaranas na ng rejection. At dahil hindi natin nakuha ang inaasahan nating sagot, tayo ay bigo na. Bago ka umayaw dahil sa pain of rejection, may ilang tips ako sayo para matulungan na maghilom ang iyong nararamdaman.
Una…
LEARN HOW TO ACCEPT DEFEAT
Masakit man ngunit kailangan mong tanggapin na ikaw ay na-reject. Kailangan mong harapin ang realidad na ikaw ay hindi tinanggap. Sa pagharap sa katotohanang ito magsisimula ang pag move-on mo. Walang saysay if you will live “in denial” dahil ito ang uubos ng iyong oras.
Halimbawa, kung ikaw ay hindi tinanggap sa trabaho, imbis na sayangin lang ang oras sa pag-iisip kung bakit hindi ka natanggap, bakit hindi mo na lamang gamitin yung oras mo sa pag-apply pa sa maraming kumpanya.
Mula sa pagtanggap magsisimula ang tamang mindset sa pagharap sa pagsubok na ito.
LEARN HOW TO CHANGE YOUR PERSPECTIVE
Hindi porket di ka tinanggap ay di ka na magaling at wala ka nang kwenta.
Kung hindi ka natanggap sa trabaho, isipin mo na sila ang nawalan ng masipag na empleyado na makakatulong sa kanila.
Kung hindi mo na close ang business deal, isipin mong may iba pang investor na magbibigay sa iyo ng mas magandang deal.
Kung hindi ka sinagot ng iyong nililigawan, isipin mong may someone better na nireserba ang Panginoon para sayo.
Ibahin mo ang iyong pagtingin sa iyong kabiguan. Look at the brighter side, ika nga.
Use it as a challenge to improve yourself; na matuto sa mga pagkakamali na iyong nagawa o nasabi; na maghanda pa ng mas mabuti para sa susunod na pagkakataon.
Malay mo isang blessing in disguise lang pala ang rejection na ito para patibayin ang iyong pagkatao.
LEARN HOW NOT TO GIVE UP
Isipin mo na lang na ang rejection ay parang traffic lang sa iyong buhay.
Kung ikaw ay na-traffic, kailangan matutong mag-pasensya at matutong dumiskarte para maiwasan ito. Hindi nangangahulugan na hindi ka na papasok ng dahil lang sa traffic.
Huwag mong hayaang pigilin ka nang rejection para maabot mo ang iyong pangarap.
Tatandaan mo si Steve Jobs, nafounder ng Apple, ay pinatalsik sa kumpanyang itinatag niya. Sa kabila ng kabiguan na ito, ipinagpatuloy niya ang pag-abot ng kanyang pangarap. Nagpatayo siya ng panibagong kumpanya kaya siya na mismo ang hinabol muli ng Apple upang pabilikin. Dahil hindi siya nagpapigil sa isang rejection, siya ang naging legend sa tech world kahit siya ay yumao na at patuloy na hinahangaan hanggang ngayon.
Mag-move on ka at huwag kang susuko.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ano ang recent rejection na naranasan mo?
May mga natutunan ka ba sa pagka-bigong ito?
Ano ang natutunan mo sa blog na ito para ikaw ay maka-move on?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? You can also check on these related posts on dealing with difficult situations:
- How to Overcome Fear of Failure and Rejection?
- LEARN TO OVERCOME PAIN
- WHY SOME PEOPLE CAN’T SAY NO?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.