“Hindi mo kaya yan!”
“Huwag mo nang tangkain dahil hindi ka magtatagumpay.”
“Hindi ka naman talaga magaling.”
“Walang naniniwala sayo.”
“Nagsasayang ka lang ng pagod.”
Bakit kaya kung sino pa ang mga taong malalapit sa atin, sila pa yung nakakapag-paramdam sayo na loser ka?
Kung sino pa yung malalapit sa puso mo, sila pa yung grabe maka-nega sayo.
Yung masabihan ka ng negative comment ng mga taong hindi mo kilala o hindi mo ka-close parang keri mo pa e, pero ibang usapan kapag kaibigan mo na o di kaya kamag- anak. Parang mas masakit at mas matindi ang dating sa atin.
Minsan hindi naman talaga nila intention na siraan tayo, pasamain ang loob natin o pagdudahan ang kakayanan natin, kaya lang minsan parang ganun ang dating dahil yung manner ng pagkakasabi nila ay talaga namang tagos sa puso.
So how do we deal with these kind of people? Yung mga taong sinsadya talaga ang pagka-nega, yung mga taong walang mabuting intention sa pagiging nega sa atin. Here are some tips that might help you:
DON’T ASSOCIATE WITH THEM
Huwag mo nalang i- kwento sa kanila ang mga pangarap mo, plano mo, adhikain mo and anything tungkol sa buhay mo. Maintain the relationship but just be casual with them. I-share mo nalang ang mga ito sa mga taong alam mong makikigalak sayo, tutulong sayo para maabot ang mga pangarap at goals mo sa buhay and to someone who can encourage and build you up.
DON’T MIND THEM
Hindi maiiwasan na talagang makarinig ka sa kanila ng mga comments dahil nga naman malapit sila sayo. Kumbaga wala kang choice, maririnig mo talaga ito, pero may choice ka kung nanamnamin mo ba ito o hindi. May choice ka kung paniniwalaan mo ang mga negativity na ito. Macy choice ka kung papansinin mo ito o dededmahin mo nalang. May choice ka kung didibdibin mo ang mga ito o gagawin mong stepping stone para mas maging magaling ka. So if I were you, papasukin mo sa kanang tenga mo, tapos palabasin mo sa kaliwa.
DON’T GET MAD AT THEM
Huwag na tayong magalit sa kanila, for sure may dahilan kung bakit sila nega. Huwag nalang natin silang awayin at patulan. Wala itong magandang maidudulot sa atin. Mag-focus nalang tayo sa mga bagay na mas mahalaga. Kung hindi naman talaga totoo ang mga paratang nila sa atin, hindi worth ng effort at time natin kung makikipagtalo pa tayo sa kanila.
“Huwag magpa-apekto sa mga taong NEGA. Wala silang magandang masasabi sayo!”
-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY
- May mga tao bang nega sa paligid mo?
- How do you deal with them?
- Will you give them the pleasure of knowing na apektado ka?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.