Sino sa atin ang gustong magkaroon ng maraming pera. Wala pa akong nakitang taong tatanggi sa pagpapala.
It is the desire of ever to live a better and more comfortable life.
Hindi lang para gumanda ang ating buhay. Para na rin makatulong sa mga ibang taong na may pangagailangan sa buhay.
Hindi nating pwedeng ipagkaila na marami nagagawa ang pera.
Ang pera ay maaaring bumili ng marami sa mga pinakamahusay na mga bagay at mga karanasan sa buhay. Katulad ng isang sapatos na pinapangarap at inaasam ko noong ako ay teenager pa. Usong uso yung converse and lahat ng mga kasama ko sa basketball ko meron at ako lang ang tanging wala. Yung converse ko ay gawa sa cacha ng itim na nabibili lang sa Divisoria. Ang gusto ko naman yung leather na may stars na tunay at hindi sticker lang. (Ito ay nagkakahalaga ng P1,500 noong 1980’s. That was a lot of money during that time.)
Ano ang ginawa ko? Lahat ng pwedeng pagkakakitaan at pwedeng pag-ipunan ay ginawa ko. Minsan hindi na ako nag memeryenda para makatipid at malagay lang sa alkansya ng CONVERSE. Until one day, sapat na ang pera ko at ako ay pumunta ng CASH & CARRY, doon kasi ang bagsakan ng sapatos na maganda at mababa ang presyo. Noong nabili ko na ang sapatos, ito ay parati kong tinitignan at hawak-hawak. Minsan ito ay inaamoy amoy pa. Iba talaga ang amoy ng bagong sapatos.
Minsan ko lang siya gamitin dahil ayaw ko siyang maluma at madumihan. Kulang na lang lagyan ko ng plastic sa panlabas para di maputikan. Nagagalit ako kapag naapakan ito sa game at ang sama ng tingin ko sabay sabi, “Hindi mo ba alam kung magkano ito! Converse ito!”
Ngunit makalipas ng ilang buwan, tinamad na rin ako sa kakalinis at narealize ko na pareho rin siya ng ibang sapatos na naluluma at nasisira din. Kahit anong linis at ingat ko sa mahal kong sapatos. Darating ang panahon ay masisira din siya. Naging masaya ako ng ilang Linggo ngunit hindi rin nagtagal ang aking kasiyahan.
This is what I realise about money. It can give you temporary satisfaction but not eternal joy.
Kaya kung ang goals natin sa buhay ay magkaroon ng magandang sasakyan; pagkatapos mo makuha ang una mong bagong sasakyan masaya ka at kapag ito ay naluma malungkot ka na naman. Ganoon din sa pera, kapag nakuha mo ang unang milyon mo. Ano na ang susunod? Yung pangalawa then yung pangatlo at walang humpay at tigil sa kakatrabaho.
Para lang siyang alak na nagbibigay ng pansamantalang kaligayahan at makalimot ng problema. Pag nawala na ang tama at lasing, balik ka na naman sa realidad na meron ka pa ring problema.
Narito ang isang maikiling tula tungkol sa pera.
ANG PERA, BOW!
Ang pera ay maaaring bumili ng BAHAY, ngunit hindi ito makakabili ng BUHAY.
Ang pera ay maaaring bumili ng MAGANDANG HIGAAN, ngunit hindi ito makabibili ng HIMBING NG TULOG.
Ang pera ay maaaring bumili ng ORASAN, ngunit hindi ito makabibili ng ORAS.
Ang pera ay maaaring bumili ng KASAMA, ngunit hindi ito makabibili ng TUNAY NG KAIBIGAN.
Ang pera ay maaaring bumili ng KASIYAHAN, ngunit hindi ito makabibili ng KAGALAKAN.
Ang pera ay maaaring bumili ng KATAHIMIKAN, ngunit hindi ito makabibili ng KAPAYAPAAN.
Ang pera ay maaaring bumili ng BIBLIYA, ngunit hindi ito makabibili ng KALIGTASAN.
Dahil ang KALIGTASAN ay isang REGALO na ipinagkaloob sa atin ng DIYOS sa pamamagitan ng kaniyang bugtong na anak na si HESUS.
ANG PERA! BOW!
THINK. REFLECT. APPLY.
Paano mo tinitignan ang pera? Ito ba ang gumagamit sa iyo o ikaw ang gumagamit dito? Sana huwag tayong makalimot kung bakit ba natin gustong magkapera.
Money is a means to an end rather than an end in itself.
===================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
Chinkee Tan, a wealth and life coach, is known as a famous motivational keynote speaker in the Philippines. Thousands of people have been eager to hear and learn from his wisdom on topics about personal development, financial management and building relationships to name a few.
If this article has helped you, check out these other related topics:
- 5 THINGS YOU SHOULD NEVER DO WHEN YOU HAVE MONEY
- WHO’S THE BOSS—YOU OR MONEY?
- Buy One Take One! Moneykit
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.