Paano ka gumawa ng desisyon?
Pinag-iisipan mo ba ito nang mabuti?
Do you ask the counsel or opinion of others?
May lista ka ba ng pros and cons?
Do you base your decision on your emotions?
Araw-araw tayo gumagawa ng samu’t-saring mga desisyon – from the smallest things like kung ano ang susuotin natin, kung maliligo ba tayo, kung sunny side-up ba ang gusto natin o scrambled egg; hanggang sa major things like buying a car, resigning from work, marrying the love of your life, and more. We have to decide almost every second of our lives.
We always have a choice and we are always free to choose. Well, ang iba, hindi naman talaga malaya pumili or mag-decide ayon sa kagustuhan nila. But the bottom line is, kahit no choice tayo, still we have a choice.
What if kung may ipagawa sa iyo ang magulang mo na labag sa kalooban mo? You have a choice kung susundin mo sila o hindi. You have a choice na maging mabuting anak o maging pasaway.
Do you understand now when I say we always have a choice? At the end of the day, tayo pa rin ang may final say.
With the choices that we make, we are also accountable sa mga pinipili natin na desisyon. That is why it is very important for us to really discern what is good from bad and what is right from wrong when it comes to decision-making. Pero bago ka mag-decide, allow me to share with you some guidelines para ma-enlighten ka.
IS IT RIGHT?
Tama ba ang gagawin mong decision o mali? Ang basis sa paggawa ng decision ay hindi dapat nakasalalay sa feelings. It must be based on the truth. Kasi, the truth will set you free. When your decision is based on what is right, matibay ang iyong paninindigan.
IS IT A PRIORITY?
Palagi nating isipin kung ang gagawin ba nating decision ay isang priority sa iyong buhay. Napakahalaga nito sapagkat gusto natin na ang mga mahahalagang bagay, pangyayari, o tao sa buhay natin ay nabibigyan ng importansya. Baka nauubos lang ang oras natin sa mga walang katuturan na bagay. Let us major on the majors, not on the minors.
IS IT BENEFICIAL FOR ALL?
Makakatulong ba ito sa mga taong nakapaligid sa iyo? Hindi lang dapat ikaw ang magiging winner. Dapat, pati ang mga taong kasama mo sa buhay. Hindi ba mas maganda kung win-win ang relationship?
IS IT REVERSIBLE?
Ano ito? Pwede ba ma-correct ang decision mo, just in case na nagkamali ka? Hindi tayo perfect, kaya maari ka pa ring magkamali sa desisyon mo, kahit na nagawa mo na lahat. Sa pagkakataon na ito, pwede ba maayos ang iyong pagkakamali o malaking damage ang maidudulot ito? Kung may masisira tulad ng iyong pangalan, reputasyon, o relasyon, mas maganda kung ito ay iiwasan mo!
IS IT PLEASING TO THE LORD?
Tanungin natin ang ating sarili: Kung gagawin ko ito, ano kaya ang sasabihin ni Lord? Matutuwa ba siya o malulungkot? I think ito ang pinakamahalaga sa lahat ng mga katanungan na pwede nating tanungin sa ating sarili.
Sometimes, may mga choices tayong pinipili dahil ‘yun ang convenient sa atin. However, those choices are not always pleasing to the Lord. Mahirap man sundin minsan, but I can assure you that whenever we do the right thing in the eyes of God, He will surely bless us. When we obey Him and always choose to please Him in everything we do, He will shower us with His favor.
THINK. REFLECT. APPLY.
What are your guiding principles when it comes to decision-making?
Do you ask God for help when making a decision?
What is the most important choice/decision you’ve ever made?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Are you ready to make wise decisions? Check on these other related posts:
- “EH WALA AKONG CHOICE” EXCUSE.
- Are You Having a Hard Time Submitting To Your Husband’s Decision?
- Wala Akong Choice!
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.