As I give seminars to many companies and organizations, there is one obvious distinction that is glaring. You can easily discern if some of the participants are interested or uninterested with your topic.
Kahit na hindi masyadong interesado ang mga iba, sinisikap ko talaga gawin ang lahat ng aking makakaya to give my best.
There are opportunities na lumalabas na ang mga ugat ko sa leeg para mabigyan lang ng buhay ang mga ibang nakikinig na walang kabuhay-buhay. Kahit anong effort, bomba and power na ibigay mo.
Kulang na lang magtutumbling ka para makuha ang kanilang interes at atensiyon, pero may mga ibang taong sadyang ninakawaan na ng pangarap. Lahat ng tao ay gustong magbago ang kanilang buhay, pero may mga iba, nawawalang na nang pag asa o sadyang hindi na naniniwala. Ito an mga tinatawag ko na zombie, the walking dead. (Buhay na patay)
Naawa ako sa mga taong na ganoon na kalagayan. Kahit punong puno sila ng potential pero, hindi na sila naniniwala. Mawala na ang lahat huwag lang ang paniniwala.
“Bakit pa ako mangangarap? Eh, wala namang mangyayari. Ito na ang aking tadhana, tanggapin ko na lang ito, para di na ako mabigo.”
Isinuko na ang bandera kahit hindi pa tapos ang laban.
Napakahirap talaga bumangon kung ikaw ay nanggaling sa pagkabigo. Napakasariwa pa ng sugat upang ikaw ay magsimula muli. Ok lang naman na magpahinga ng pangsamantala. Huwag ka lang mamahinga ng pang habang buhay.
No matter what happened to you in the past, huwag kang aayaw at bibigay. Totoo ang kasabihan, “Habang may buhay, may pag-asa.” Mawala na ang lahat, huwag lang ang pag-asa. Dahil ito na lang pwede mag dugtong ng iyong hininga. Ito ang magbibigay sa iyo ng kapangyarihan para makagumpisa muli. Ito ang tanging apoy na magsisindi muli ng iyong nauupos na kandila.
Kahit umaayaw na ang mga kasama mo. Huwag kang sasama!
Maari na maraming tao ang umayaw, pero huwag mo ayawan ang iyong sarili.
Refuse to be part of the losers team.
Never accept failure as your destination.
Huwag kang pumayag na maging zombie!
Come on, fight kapatid!
Huwag kang aayaw, walang bibitiw!
Just keep on moving, push ka lang ng push.
Even if you are moving slowly as long as you are moving ahead, you are still ok. Do not be afraid of moving slow but be afraid of standing still.
Maniwala ka! Darating ang araw, ikaw naman ang aakyat ng entablado; ikaw naman ang mapropromote; ikaw naman ang magwawagi; ikaw naman ang pangangaralan; ikaw naman ang yayaman!
THINK. REFLECT. APPLY.
Naniniwala ka pa ba sa iyong pangarap?
Ikaw ba ay umayaw na o lumalaban pa?
Never give up! No matter what happens in life.
Chinkee Tan is a Filipino motivational speaker who specializes in topics about financial management, personal development and relationships to name a few. If you find yourself learning from this article, check out these other related posts:
- NEVER GIVE UP ON YOUR DREAMS
- 5 TIPS TO FINISH STRONG THIS YEAR
- ARE YOU FEELING LOST
- 3 THOUGHTS THAT SABOTAGE YOUR SUCCESS
- GUSTO KONG UMAYAW
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.