Toxic ba ang work? Traffic? Mga bayarin?
Pero sa totoo lang bes, walang tatalo sa stress na dala ng mga taong toxic. Wala kasing umiiral na logic kaya maging ang reklamo at issues nila paulit-ulit at nakaka-baliw.
So ano ang dapat mong gawin kapag may mga kasama kang taong ganyan?
HUWAG MO SILANG SABAYAN
(Photo from this Link)
Kapag sinabayan mo ang kanilang init ng ulo at pagka-toxic, para mo na rin silang pinatulan. Do not fight fire with fire. Bato sa bato, walang mananalo, lahat talo.
IWASAN SILA
(Photo from this Link)
Mas maganda kung ikaw ang umiiwas kaysa ikaw ang iniiwasan. Ika nga, kung alam mo namang may landmine doon, bakit ka pa dadaan? Buti na yung umiwas para hindi masabugan.
Eh, paano naman kung hindi maiwasan?
HUWAG KANG MAGPA-APEKTO
(Photo from this Link)
Huwag mong gamitin yung iyong nararamdamdam para makipag-usap sa kanila. Isipin mo nalang na sales agent ka at kliyente mo sila. Minsan may mga kliyenteng unreasonable at sobrang demanding.
Pero diba, kahit sa ano mang negosyo, kailangan pag-pasensyahan pa natin dahil sila ay kliyente. Kaya kung meron man masabi silang hindi maganda, pasok sa isang tenga, labas naman sa kabila.
Ika nga, trabaho lang walang personalan.
“Iwasan ang mga taong toxic para hindi ka mahawaan”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kamusta ka na? Toxic ka na rin ba?
- Paano mo maiiwasan at maayos ang iyong pakikipag-usap sa mga taong toxic?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.