May mga kakilala ka ba na taong ganito?
Hindi nagre-reply sa mga text messages mo.
Hindi tumatawag, kahit minsan.
Hindi nagpapakita o nagpaparamdam man lang.
But when they do, it is only when they need something from you.
Sa totoo lang, nakakainis yung mga taong ganyan.
Parang wala kayong pinagsamahan noon.
Ang madalas na dahilan ay ang pagiging busy.
Sa totoo lang, hindi dapat maging dahilan ang pagiging busy sa hindi pagsagot ng mga messages o pag-kumusta, lalo na kung kayo ay tunay nga na magkaibigan, hindi ba?
Hindi rin dapat maging dahilan ang pag-unlad ng buhay nila upang magbago na rin ang kanilang ugali.
So, how will you know or recognize a true friend?
TRUE FRIENDS ARE PEOPLE….
WHO CAN TELL YOU THE TRUTH, NO MATTER WHAT
These are the ones who only want what is best for you. They have nothing but your best interest in mind, so they are not afraid to tell you the truth.
But when they tell you the truth, they speak with love and care.
This is the mark of a true friend.
Ito yung mga taong, hindi sila magsisinungaling para hindi ka ma-offend.
Because the Bible says, “Open correction is better than hidden love.”
WHO WILL GO OUT OF THEIR WAY FOR YOU
They don’t mind being inconvenienced, if it will make other people’s lives more convenient.
Their friends are important kaya kahit anong oras, kahit gaano kalayo, basta kailangan mo sila, pupuntahan ka at tutulungan ka.
WHO WILL BE WITH YOU NOT ONLY IN GOOD TIMES BUT ALSO IN BAD TIMES
Ito yung mga tao who will be with you especially at the lowest moment in your life. Hindi ka nila iiwan at pababayaan, dahil alam nila na mas kailangan mo sila sa panahon ng iyong kagipitan.
Karamay mo sila sa hirap at ginhawa.
May kasabihan nga na ang talagang tunay na kaibigan ay lilitaw sa mga oras ng kagipitan, hindi lamang sa panahon ng kaginhawaan.
THEY DO NOT CHANGE EVEN WHEN TIMES CHANGE
Tulad na lamang ng isa sa mga tunay kong kaibigan, ang sikat na sikat na si Mr. Shades, Randy Santiago. Magkaibigan kami simula noong 1987, up to now.
Once or twice a year na lang kami magkita because of our hectic schedules, ngunit ganoon pa rin siya. Humble at hindi mayabang, walang ere at pareho makitungo sa tao.
Tunay na bagay na bagay sa kanya yung awit na nagpasikat sa kanya, “Hindi Magbabago.”
Hindi ba dapat lahat tayo ay dapat maging ganyan, na kahit anong tagumpay, yaman at kasikatan, ay hindi pa rin tayo nagbabago, lalo na sa ating mga kaibigan?
I hope through this blog, you will be able to know now, if you really have true friends around you.
“Ang tunay na kaibigan ay karamay mo sa hirap at ginhawa.”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang natutunan mo sa blog na ito?
- Masasabi mo ba na may tunay kang mga kaibigan?
- Ano ang pwede mong gawin para ikaw ay maging isang tapat na friend?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.