Nakakatakot, baka magkamali.
Nakakatakot, baka walang maniwala.
Nakakatakot, baka hindi kaya.
Nakakatakot,baka mapahiya lang.
Nakakatakot,baka masaktan lang.
Lahat naman tayo ay may mga takot at pangamba sa buhay. Pero kung puro negativity ang laman ng puso at isipin natin, talagang mabubuhay ka sa takot. Alam ko lahat tayo ay minsan ding natakot.
I can still remember na ayaw ko mag- roller skates dati dahil natatakot akong mahulog o madapa. Parati ko kasing pinagtatawanan yung mga taong nahuhulog at hindi makatayo. Kaya ayaw ko rin sumubok at matulad sa kanila. Pero umaabot na yung puntong na marunong na lahat ang mga pinsan ko at ako na lang ang di marunong. Iniinggit at tinutukso nila ako. Ending, napilitan din ako sumubok.
Nakakatakot lang sa umpisa.
Nahulog at nadapa din ako!
Nasaktan din ako ng bahagya.
Pero tuloy pa rin, kasi gustong matuto.
Until such time, nagkaroon na ako ng balanse at natuto na rin.
Ang sarap ng feeling kapag marunong ka na at mabilis kang mag skating. Iba yung feeling ng humahampas ang hangin sa iyong mukha.
Iba na ang tingin sayo ng tao at nag-eenjoy ka na.
Ito ang na – realize ko that my faith should be greater than my fear.
Dahil kapag patuloy akong natakot, wala siguro ako sa kinalalagyan ko ngayon. Kung nag-pa-daig ako sa mga takot ko noon baka walang Chinkee Tan ngayon. Walang Chinkee Tan na nagsasalita at nagbibigay ng mga payo pinansyal para umunlad and buhay.
Marahil nakakaramdam ka din ng takot kapatid. Hindi ka nag-iisa. Hangga’t di mo binibitawan ang mga takot mo, hindi mo mahahawakan ang mga pangarap at tagumpay na inaasam mo.
Here’s something to think about- are we choosing our fears or are we choosing our dreams? The choice is ours.
This is not the year to be afraid. This is the year to be strong and courageous?
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw kapatid, ano ang takot mo?
- Is it preventing you from starting something you like?
- Is it preventing you from unleashing your fullest potential?
- Ano ang plano mong gawin?
Handa ka na ba na harapin ang taong 2017 na buong tapang!?
Join me on “HOW TO MAKE YOUR FIRST MILLION” on January 27 in Cebu and February 28 in Manila.
Avail P250 discount from an original price of P750.
To know more, please click here https://chinkeetan.com/firstmillion/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.