One thing that I cannot also stand are people na sobrang yabang and full of themselves. That is the reason why sometimes some people cannot even stand themselves. Sa sorbang kayabangan nila, hindi nila matiis ang kanilang sarili.
Madalas tayong nakatingin sa iba, pero minsan di natin namamalayan na tayo mismo ay yumayabang na rin.
Paano mo malalaman na yumayabang ka na:
- Gusto mo parati ikaw ang napaguusapan at ikaw ang center of the discussion.
At kung may kausap ka, wala ka nang ibang pinagusapan kung hindi ang iyong sarili. - Parati ka na lang may comment sa mga kwento nang mga iba.
Example:-
- “Alam mo? Mura ko nabili itong damit na ito. Mga P250 lang ito”
- “May alam ako na pareho na quality pero makukuha mo lang siya ng P150.”
Wow naman! Nagkwekwento lang naman yung tao just to share her excitement about her bargain. Huwag mo nang supalpalin by sharing something you know that is better. I-share mo lang kapag tinanong ka. Kung hindi just keep quiet.
-
- Kapag hindi ka nabibigyan ng tamang pansin, sumasama ang loob mo at sinasabi mo sa sarili mo, “Hindi ba nila ako kilala? Don’t they know who I am?” (Wow, kailangan bang makilala ka nang lahat ng tao.)
- Ang yabang ay para lang namang anay. Kinakain na ang buong bahay, hindi pa alam ng may-ari na kinakain na ng dahan-dahan ang kanilang bahay. Ganoon din ang yabang, minsan may anay na tayo ng KAYABANGAN at hindi natin napapansin na kinakain na tayo ng dahan-dahan.
Para hindi tayo makalimot, ito ang mga bagay na dapat natin gawin para di tayo kainin ng ANAY NG KAYABANGAN.
MATUTONG LUMINGON SA PINANGGALINGAN
Tandaan natin kung saan tayo nagsimula. Balikan natin yung mga panahaon noong tayo ay wala pa masyadong makain, di pa kayang bihin ang mga gamit na ninanais natin. Kapag nagbabalik tanaw ako noong ako’y nakatira sa Tondo na walang-wala noong mga panahon na ‘yon. Ito ay isang magandang paalala sa akin kung paano ko dapat pangahalagahan ang mga biyaya na aking natatanggap.
MATUTONG MAGPAKUMBABA
Lalong lumalaki dapat lalong matutong magpakaliit.
Lalong pinaguusapan dapat lalong matutong tumahimik.
Lalong sumisikat dapat lalong matutong magpakumbaba.
Lalong pinagpapala dapat lalong matutong maging pagpapala sa iba.
MATUTONG MAGPASALAMAT SA MGA TAONG TUMULONG SA IYO
Huwag makakalimot sa mga taong tumulong at naniniwala sa iyo noong ikaw ay naguumpisa pa. Lalo’t na yung mga panahon na walang naniniwala sa iyo at hinahamak ka pa. Pero meron mga tao na naniwala at gumawa ng paraan para ikaw ay suportahan at tulungan. Kaya ngayon, ikaw ay isa nang matagumpay.
At ang pinakaimportante na huwag kalimutan ang Diyos na nagbigay sa atin ng kapangyarihan upang lumikha ng kayamanan. Ni isa sa atin ay hindi pwedeng magmalaki na ikaw ay naging matagumpay dahil sa iyong sariling kayod at pagod. Maniwala ka, kahit na napakagaling at talino mo, kapag hindi ito pinahintulutan ni Lord, walang mangyayari!
THINK. REFLECT. APPLY.
Tanungin mo ang iyong sarili, napapansin mo na minsan ay ikaw ay yumayabang?
Tanungin mo rin ang ibang taong malalapit sa iyo kung meron ba silang napapansin na pagbabago?
Ano ang dapat mong gawin para mapanatili ang iyong pagiging humble?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, dealing with relationships within family, friends, work and other people and financial management techniques to name a few. He continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines and being a motivational corporate trainer to different organizations.
If this article has helped you, check out these other related posts:
- WINNING IS NEVER CERTAIN
- Ang Tunay Na Mayaman Ay Hindi Kailangan Magyabang
- LINGON-LINGON PAG MAY TIME
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.