May mga kakilala ba kayong mga PROFESSIONAL REKLAMADOR?
“Ano ba yan!”
“Bakit ganito?”
“Bakit ito lang?”
“Wala na bang iba?”
Ang mga taong ganun ay sobrang UNGRATEFUL.
Napakahirap nilang pasayahin.
Pati sarili nila ay hindi nila magawang mapasaya.
It’s normal na ma-disappoint tayo sa mga hindi magagandang pangyayari sa buhay.
But one thing I that can’t stand are people who love to complain.
Feeling nila na sa tuwing sila ay nagrereklamo, ito ay makakabuti. Pero sa totoo lang, hindi nila namamalayan na ang pagiging reklamador ay maraming bitbit na negative effects.
One of the negative effects of complaining ay yung mas lalong . . .
LUMALALA ANG SITWASYON
For example, kukuha ka ng NSO birth certificate. Pagdating mo doon, nakita mo na napakahaba ng pila. At dahil certified reklamador ka, hindi mo mapigilan ang bibig mong mala-armalite at sasabihing, “Ano ba yan, ang haba haba naman ng pila!”
But wait, there’s more!
Dahil BETERANO ka na sa pagrereklamo, EXPERT ka na sa paghahanap ng ma-irereklamo. Bino-broadcast mo pa na, “Dapat may number na lang para pwede kang umalis sa pwesto mo. Hindi yung uusod usod pa sa upuan!” Naghanap ka pa ng kapwa reklamador at sinasabi mo sa mga katabi mo, “Diba? Diba?”
Isa pang hindi magandang effect ng pagrereklamo ay . . .
LUMALAYO ANG BLESSINGS
Kung tuyo na naman ang ulam, diba blessing pa din yun?
Buti nga may nakakain pa.
Di tulad ng iba, MALILIPASAN NA NAMAN NG GUTOM.
“Grabe ang tigas naman nang kamang ito.”
Matigas man ang hinihigaan natin, dapat ipagpasalamat pa din natin yun dahil ang iba nga, walang mahigaan na kama at sa kalsada lang natutulog.
Kaya imbis na ubusin ang oras sa pagrereklamo, gamitin natin yung ating ORAS sa PAGHAHANAP ng pagkakataon at ng solusyon.
Imbis na mabaon tayo sa lungkot dahil sa dami ng iniisip nating ireklamo, ilaan natin yung KAKAYANAN natin na MAG-ISIP ng magagandang bagay sa bawat pangyayari.
Complaining will not bring us anywhere. It will only lead us to nowhere.
THINK. REFLECT. APPLY.
Certified reklamador ka ba?
Gusto mo na ba maalis sa iyong sistema ang pag-rereklamo?
Kung oo, paano mo ito gagawin?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? You can also check on these related articles:
- Bakit Kaya Ang Sarap Magreklamo?
- MAG-FOCUS SA BIYAYA KAYSA SA PROBLEMA
- How Can We Stop Complaining?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.