Nawalan ng mahal sa buhay…
Naluging negosyo…
Gumuhong mga pangarap…
Lubog sa utang…
May samaan ng loob sa pamilya…
Hindi makahanap ng trabaho…
Kulang ang tuition fee…
Disconnection notice ng Meralco…
May sakit na anak…
Yan at marami pang iba.
Lahat tayo ay may pinagdadaanan.
Hindi ka nag-iisa kapatid. Kung iniisip mong unfair ang buhay dahil parang sinolo mo na lahat ng problema, hindi yan totoo.
Kahit ang pinaka mayaman, pinaka magaling, pinaka maganda, pinaka matagumpay, pinaka sikat at pinaka matalino sa mundo ay may pinagdaanan at pinagdadaanan din.
Magkakaiba lang tayo ng level ng hirap sapagkat ito ay depende sa sitwasyon natin.
May mga taong mayaman, pero meron naman karamdaman.
May mga taong may kapangyarihan, pero hindi naman makatulog dahil may death threat.
May mga taong sikat, pero malungkot naman ang kanilang buhay.
Napakalinaw ng sinabi ng Diyos sa Kanyang salita na hindi Niya tayo bibigyan ng pagsubok na hindi natin kayang pagtagumpayan. Siya din mismo ang gagawa ng paraan para malampasan natin ang bawat pagsubok na darating sa buhay natin.
Huwag kang mag-alala. Katulad ng panahon, lilipas din ang mga pagsubok at paghihirap na nararanasan mo ngayon. Hindi naman laging tag-ulan, sisikat din ang araw. May katapusan ang lahat ng bagay. Ang mga kabiguan, challenges at hardships na dinaranas mo ngayon ay may expiry date. Siguradong magbabago rin ang takbo ng buhay mo. Maniwala ka. I’ve been there. Nadaanan ko yan. Kung nalampasan ko, malalampasan mo rin. Kaya nga sinabi na may PINAGDADAANAN dahil ikaw ay dumadaan lang at hindi ka doon nakatira. Kapit lang, malalampasan mo rin iyan.
Yung mga hinanakit, sama ng loob, pagdurusa at kabiguan ay hindi rin magtatagal, mauubos rin yan sapagkat hindi naman iyan ang iyong huling hantungan.
Hindi yan ang address ng buhay mo.
Ang address ng buhay mo ay KAPAYAPAAN, KAGALAKAN, AT TAGUMPAY.
THINK. REFLECT. REPLY.
Ano ang pinagdadaanan mo ngayon?
May tiwala ka ba sa Diyos na kaya ka Niyang itawid sa pinagdadaanan mo?
Ready ka na bang lumampas sa mga pinagdadaanan mo?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article bring you light? Check on these related articles:
- MAY MABIGAT KA BANG PINAGDADAANAN?
- Ano Ang Gagawin Mo Kung Ikaw Ay May Pinagdadaanan
- Why God Gives Us Challenges
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.