Hindi naman Mother’s Day ngayon, pero naisipan kong magsulat ng blog para sa ating mga butihing ilaw ng tahanan, ang ating ina.
Napaka-blessed ko dahil nagkaroon din ako ng isang ina na talaga namang masasabi kong isang huwaran. Siya rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nagtagumpay sa buhay at kung paano kami umahon sa hirap noon.
Narito ang ilan sa mga katangian ng isang ulirang ina:
WALANG MASAMANG BISYO
Ang isang ulirang ina ay tumatayong isang mabuting halimbawa sa kanyang mga anak.
Alam n’yo mga KaChink, napakahirap manita ng anak kung nakikita nila na ginagawa naman ng kanilang mga magulang. Alam n’yo kung bakit? Kasi bumabalik lang yung bakit. Hahaha!
Minsan kapag pinagsabihan, ang isasagot pa ng anak ay ang mismong maling ginagawa ng magulang. Kaya naman, maging mabuting halimbawa dapat tayo sa ating mga anak.
Syempre hindi lamang ang mga ina, gayundin ang mga ama.
HINDI MAHILIG MAKIPAGTSISMISAN
Ito talaga yun eh! Umaga wala na sa bahay, nandun na agad sa kapitbahay at nakikipagtsismisan. Mas inuuna pa ang magsagap ng tsismis sa iba kaysa sa pamilya.
Grabe naman! ‘Wag ganun! Kailangan mas binibigyan natin ng oras ang ating pamilya o ang ating mga sarili. Hindi na kailangan pang sayangin ang oras sa pakikipagtsismisan pa.
Lalo na at hindi naman din ito makatutulong sa pag-unlad ng iyong sarili. Kaya dapat iwasan na ang mga hindi magagandang usapin patungkol sa buhay ng ibang mga tao.
HINDI GINAGAWANG RETIREMENT ANG ANAK
Syempre ito rin. Grabe naman na ginagawang retirement ang anak. Yung tipong ang investment ay ang anak.
Hindi ko talaga ito pinapaburan kasi dapat kapag naging isang magulang ka na, kailangan paghandaan mo hindi lamang ang buhay ng mga anak mo, kundi pati na rin ang iyong retirement.
Masarap na makitang tumutulong ang ating mga anak. Pero hayaan nating maging kusa ito mula sa kanila. Dahil
“Ang isang tunay na ulirang ina ang hangad ay ang makabubuti sa kanyang pamilya.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
Anu-ano ang mga magandang pinagbago mo simula nang ikaw ay naging isang ina?
Paano mo binabahagi ang iyong panahon at oras para sa iyong sarili at sa iyong pamilya?
Paano mo tinuturuan nang tamang paghawak ng pera ang iyong anak?
Watch my YouTube video:
10 Katangian Ng Isang Ulirang Ina
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.