“Happiness is found when you stop comparing yourself to other people.”
~Unknown
Naniniwala ka ba sa linyang iyan?
Na kapag daw itinigil natin ang pagkukumpara
ng sarili natin sa iba, matatamasa natin
ang tunay na kaligayahan?
Parang totoo nga noh?
Kasi kapag nakararamdam tayo ng inggit
napapansin n’yo ba na parang
ang bigat ng dibdib natin?
Laging mainit ang ulo at parang
lahat yata ng sinasabi natin
ay may halong ka-bitteran.
“Hay nako ayan na naman siya..”
“Kainis! Parang nananadya eh!”
“Paano kaya siya na promote?”
Mahirap mabuhay sa inggit.
Wala ng katahimikan.
Hindi na natin nagagawa yung
mga dapat natin gawin because we are
so focused on looking at others.
Kung tayo man ay may kinaiinggitang
kaopisina, kaibigan, kaklase,
o kamag-anak, at tingin natin
hindi na nagiging maganda ang epekto nito,
ito lang ang kailangan nating tandaan…
LOOK BENEATH THE SURFACE
(Photo from this Link)
Kung ano man yung kinaiinggitan natin,
maaaring, sila ay na promote,
nagkabahay ng sarili, nakabili ng kotse,
nanalo sa contest o kung ano pa man,
tandaan natin na may ginawa sila
para makarating doon.
Hindi naman sila gumising lang
tapos nandun na yung magandang biyaya.
They worked hard for it.
- Nagtrabaho.
- Nagsipag.
- Nag-ipon.
- Nagsakripisyo.
They went through a journey before they got there.
Kaya bago natin sila pag-initan at
sabihan ng masasakit na salita,
isipin muna natin ang mga ito.
If we want it to happen to us,
We need to go through it too.
MATUTONG MAGING MASAYA PARA SA IBA
(Photo from this Link)
Bakit ba hirap na hirap tayo magsabi ng:
“Congrats ah”
“Happy for you”
“Ang galing mo!”
Yung iba sa atin sasabihin nga
pero labas naman sa ilong o
yun bang hindi man lang sincere.
Huwag natin ipagdamot ang compliment
sa ibang tao. Hindi lang naman araw nila
ang gaganda, kundi pati yung araw din natin.
Imagine the feeling na may napasaya tayo
dahil sinalubong natin ang araw with positivity.
Sarap ‘di ba?
KNOW YOUR VALUE
(Photo from this Link)
Hindi porket may nangyaring maganda sa kanila
Ibig sabihin, hindi na rin ito mangyayari sa atin.
Hindi porket na-promote yung kaibigan natin,
ibig sabihin, hindi na rin natin mararating iyon.
At hindi porket may bago silang bahay, business, o kotse,
ibig sabihin hindi na rin natin maaabot iyon.
Kayang kaya din natin yan, KaChink!
Hindi natin kailangan mainggit at
hilahin ang sarili natin pababa.
Pagsumikapan lang at matuto maghintay.
Darating din yung tamang oras para sa atin.
“Alisin ang inggit sa katawan, para ang buhay ay maging masaya at magaan.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Sino o ano yung kinaiinggitan mo ngayon?
- Paano mo ito gagawing inspirasyon?
- Anong hakbang ang gagawin para marating din iyon?
=====================================================
IPON KIT (Ipon Can + My Ipon Diary Book)
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit P300 +100sf
IPON DIARY:
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“Pointers to Consider when Starting a Business”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2LkAiTM
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.