Bakit nga ba tayo nag-iipon? Ikaw? Bakit ka nag-iipon?
May kanya-kanya tayong dahilan ng pag-iipon at iba-
iba rin ang ating mga paraan ng pag-iipon.
In this blog, let me share some insights on our real
purpose of saving money. Mahalaga na maging aware
tayo sa ginagawa natin para mas maging successful ito.
May mga pangarap tayo para sa sarili natin pero kadalasan ang nagiging dahilan ng ating aksyon ay dahil sa ibang tao. Kaya isa-isahin natin ang mga malalim na dahilan…
Mahirap kasi kung ito ang mga dahilan natin:
IPON NG INGGIT
“Akala n’ya s’ya lang pwede magkaroon nun?”
“Ako rin magkakaroon din ako n’yan.”
“Mas maganda pa yung nabili ko.”
Ok so bakit tayo nag-ipon? Para makabili ng gusto natin
at para maipagmalaki rin sa iba? Ayaw ba nating mapag-
iwanan at pakiramdam natin we don’t belong?
Hindi naman masama na isipin natin ang ating sarili pero
kailangan din na unahin natin dapat ang mga talagang
pangangailangan natin lalo na ng ating pamilya.
“Nasasabi mo lang ‘yan Chinkee dahil ‘di mo alam ang
nararamdaman namin. ‘Di mo pinagdaanan.”
Naku! Believe me, nanggaling na rin ako d’yan.
Alam ko yung pakiramdam na meron ang lahat maliban
sa ‘kin. Pero imbis na baunin ko yung inggit, ginawa kong
motivation para hindi maranasan ng pamilya ko.
Hindi natin kailangan ipunin ang mga ito tulad din ng
IPON NG GALIT
“Mag-iipon ako para makaalis dito.”
“Sisiguraduhin kong mas magiging successful ako kaysa sa kanila.”
“Dapat mas maganda ang buhay ko para magsisi s’ya na iniwan n’ya ‘ko.”
Wow grabe! Ang tindi ng hugot.
Naranasan mo na ba yung may na-achieve ka pero bakit
parang hindi ka pa rin masaya? Baka dahil ang source
natin ay puro galit mula sa bad experience natin noon.
Ito yung pakiramdam na kahit may na-accomplish ka at naging successful
naman ang lahat pero hindi mo mai-celebrate kasi hindi mo maibahagi ang totoong nararamdaman mo.
Kaya subukan nating magpatawad ng ating mga sarili.
Subukan nating mag-ipon ng mga magaganda at
positibong alaala para maging masaya.
Hindi natin kailangan mabuhay sa nakaraan. Hayaan natin maging aral ang noon para mas maging matagumpay tayo sa ating mga pangarap sa kasalukuyan.
Hindi natin dapat hayaang mapuno tayo ng
IPON NG TAKOT
“Baka hindi na naman mag-work ito.”
“Paano kung hindi maging successful?”
“Saka na lang siguro kapag handa na ako.”
Ok. Kailan yun?
Lahat ng malaki ay nagsimula sa maliit.
Lahat ng mangyayari bukas ay nagsimula ngayon.
Kaya kung gusto natin na may magandang mangyari,
simulan natin at huwag tayong huminto dahil lang sa
nakaraan at mga hindi magagandang alaala.
Huwag nating hayaang magpakain tayo sa takot at
mapalampas natin ang mga pagkakataon na maaaring
magpabago ng takbo at daloy ng ating buhay.
Mag-ipon tayo ng lakas, saya at determinasyon upang
maabot natin ang ating pangarap. Hindi lamang tayo
basta-bastang mag-iipon ng pera nang hindi natin alam
ang totoong halaga at epekto nito sa ating buhay.
“Masarap mag-ipon kung tama ang pinaglalaanan nito at maganda ang adhikain mo para sa iyong mundo.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Para saan ang iyong iniipon?
- Anu-ano ang mga humahadlang sa ‘yo sa iyong pag-iipon?
- Sinu-sino ang maaaring tumulong sa iyo upang maging successful ka sa iyong pag-iipon?
———————————————————-
A PROVEN and TESTED GUIDE to help you navigate and start your savings journey.
Kaya naman we are launching the Ipon Pa More Kit to help you become a better Iponaryo. Meron ka nang Ipon Kit, meron kapang one year access to my mentoring course sa ChinkTV.
Available in Digital for only 899 instead of 1,098 (Ipon Kit Digital + IponPaMore Online Course) Click here to order: https://lddy.no/8wsr
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
- Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
- Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
- Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.