It has always been a question kung
bakit wala pa rin ipon.
May trabaho naman, may tindahan,
maliit (kung minsan malaki) na negosyo,
pero nauuwi pa rin tayo sa utang?
Kung minsan pa, hindi na tayo
makatulog at makakain kakaisip
kung bakit ilang taon na tayo
nagpapakapagod pero pagsilip
sa bank account at alkansya,
ayun, walang wala pa rin.
If we don’t identify and accept na
may problema na sa paghahandle natin ng pera,
we really won’t be able to solve it.
First question is,
are we willing na umamin na talagang may mali
and willing ba tayo malaman ang dahilan?
I know this might be hard but this is what we need
para maitama ang mali.
If you answer YES, I am proud of you.
Ibig sabihin, masakit man malaman ang totoo,
okay lang ang importante magawa na ng paraan NOW.
First step — check!
So now, let’s make a run down of the reasons
kung bakit wala pa rin tayo naiipon:
MARAMING NAKASAHOD AT NAKAABANG SA SWELDO ipon
(Photo from this Link)
This is the most COMMON reason.
Pagkakuha pa lang ng sahod,
nandiyan na yung mga salitang:
“Magpadala ka naman.”
“Transfer mo na, wala ng panggatas pamangkin mo eh.”
“Wala kasi ako trabaho, ikaw na muna sana bahala sa upa.”
“Mapuputulan na kasi kami, pahiram muna.”
You know what, hindi yung kagustuhan nating tumulong
ang problema, kundi yung nagiging habit na,
to the point na hindi na sila nagtatrabaho o
nagsisikap para buhayin ang sarili at pamilya nila.
I myself help my parents until now,
and that is okay dahil matanda na sila at
hindi na kaya magtrabaho pa.
Pero kung ang ating tinutulungan
ay laging nakasahod sa biyaya,
nagreresulta na sa katamaran, iyon ang mali.
Tinuturuan na natin sila sa idea na
“Okay lang manghingi ng manghingi.”
“Keri lang kung walang trabaho.”
“Sasaluhin naman nila tayo.”
INUUNA PA ANG BISYO ipon
(Photo from this Link)
Kakarampot na sahod pero
nakukuha pa nating mag-inom, mag yosi,
magsugal, o kaya mamili ng mga hindi kailangan.
Kaya tuloy, sa bawat sahod natin,
wala ng natitira dahil mas pinipili nating
gumasta para dito kaysa ipunin.
Sa mahal ng mga bilihin,
dapat inaalis na natin ang mga ito
para yung matitipid, pwede nating itabi at palakihin.
Imagine this:
P8/stick x 5 isang araw= P40/day x 7 days= P280
‘Di ba ang laking pera nun?
Sayang naman kung dito lang mapupunta,
sa isang bagay na wala naman tayo mapapala.
It’s not only about saving money,
kung aalisin natin ito sa sistema natin..
- Mas magiging malusog ang ating pangangatawan
- Magkakaroon ng oras sa pamilya
- Iwas problema at utang
- Magaan ang buhay
Ayaw ba natin non? Of course we want that.
WALANG PLANO ipon
(Photo from this Link)
“Okay na ‘to, may trabaho naman ako.”
“Malakas naman tindahan ko.”
“Siguro naman ‘di nila ako aalisin.”
“Healthy naman kami, kaya no need for emergency fund.”
Iyon ang akala natin.
Hindi naman sa nananakot pero
ANYTHING CAN HAPPEN kahit hindi natin inaasahan.
Mapaglaro ang buhay mga KaChink,
Yung…
- Malusog ngayon, bukas hindi na
- Maayos na sasakyan ngayon, bukas sira na ang makina
- Magandang trabaho ngayon, maaaring bukas, mag mass layoff
- Malaking kitaan sa tindahan, bukas pwedeng magsawa na ang mga tao
Paano tayo makakakilos kung
hindi natin ito pinaghahandaan?
Aasa na lang ba tayo sa SANA?
Huwag naman.
Planuhin natin ito habang may oras pa.
Pag-ipunan at gumawa ng strategy para
in case dumating man ang kahit anong
hindi inaasahan, hindi tayo masyado matitibag
kasi may back up tayo.
Makakabangon kasi may pampaikot tayo.
Makakatulog ng mahimbing kasi handa tayo.
“Kung gustong mamuhay ng kumportable at makaiwas sa sakit ng ulo,
ngayon pa lang, matuto ng mag-ipon para handa pagdating ng panahon.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- May ipon ka na ba or wala pa (rin)?
- Kung wala? Bakit? Anong dahilan?
- Willing ka bang simulan ito ngayon na?
=====================================================
IPON KIT
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit 450 +100sf
1 Ipon Can + 1 Ipon Diary + 1 Diary of a Pulubi
Or
4pcs Ipon Can + 4pcs My Ipon Diary + 4pcs Diary of a Pulubi
P1,200 FREE SHIPPING!
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
IPON DIARY:
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“NETWORKING: Qualifying your Prospects”
Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/sQ7jrvpfmi4
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.