May kilala ka bang maabilidad?
Yung parang akala natin wala ng pagasa
pero sila itong nakagagawa bigla ng paraan
para maisakatuparan ang gusto.
Segway muna ako ng storya ah.
Alam n’yo yung mga paraan
kung saan natin ginagamit ang tsinelas?
Aside sa proteksyon sa paa,
pwede din itong pampatay ng insekto
o panama sa lata sa larong tumbang-preso.
Pero para sa isang kababayan nating si Elmer Padilla,
pwede din itong gawing action figures!
Dahil hirap sa buhay at
hindi sapat ang trabaho bilang construction worker,
naisip niya ito at sinubukang ibenta sa bangketa.
Tinitiis ang init at pagod.
Umaasang kikita at may maiuuwi sa pamilya.
Nung may nakadiskubre,
doon na nagsimula ang lahat.
Nabigyan siya ng pwesto at mga gamit
kaya naman mas bukas na
ang opportunity sa kanya.
At dahil diyan,
siya ay certified IPONaryo.
1st IPONaryo tip: Matipid at hindi maluho: (http://bit.ly/2BJH4kZ)
2nd IPONaryo tip: Kuripot pero hindi madamot (http://bit.ly/2E0BV5j)
3rd IPONaryo tip: Iniisip ang future (http://bit.ly/2zZ8WMh)
Tip #4:
“MAUNLAD DAHIL MAABILIDAD”
Dahil…
SILA AY MATIISIN
(Photo from this Link)
“Ang init init naman dito!”
“Ayoko diyan, liit ng sahod!”
“Kainis ang daming requirements!”
Guilty tayo sa ganitong mga linya.
Nand’yan na ang grasya pero choosy pa.
Ang isang tunay na IPONaryo
kahit mainit, mahaba ang pila,
matatagalan, at kailangang mamaluktot,
okay lang, lahat kakayanin.
Para kasi sa kanila, there’s no easy way out.
Dadaan at dadaan talaga sa butas ng karayom
bago makamit ang isang bagay.
SILA AY MAY TIWALA SA SARILING KAKAYAHAN
(Photo from this Link)
Tulad na lang ng storya ni Elmer
‘di bale ng walang kasiguraduhan,
importante, masaya silang gawin
ang kanilang hilig at talento.
“Eh paano kung walang makapansin?”
“Di naman ako aasenso diyan noh.”
Yun ang akala mo.
Ang taong IPONaryo, go lang ng go
kahit walang kasiguraduhan.
Naniniwala sila na sooner or later
they will soon reap a bountiful harvest.
Naniniwala din sila na binigay sa kanila
ang talentong iyon dahil may dahilan.
Sige lang, just do it.
And find out why soon.
SILA AY MAABILIDAD
(Photo from this Link)
Kulang ang kita?
Hahanap ng additional na pagkakakitaan.
Hindi sapat ang sweldo?
Mag-i-isip ng paraan para madagdagan.
May extra time?
Magsisingit ng pagkaka-abalahan para hindi sayang.
Hindi nila inuubos ang oras nila karereklamo.
Instead, aaksyunan kaagad nila ito.
Nagiging maunlad dahil gumagawa ng paraan.
Dumadaan sa mga pagsubok.
Magsasakripisyo.
Iyan ang maabilidad!
To know more about how to be an IPONaryo,
Join me on my next seminar:
#IponPaMore: Hit Your Financial Goal This 2018!
January 20, 2018
Victory Greenhills Center
P500 with FREE book
There’s no secret to it. Saving is the way to go. And I want to teach you a roadmap to building your personal savings. This is your journey to experiencing financial freedom and becoming wealthy and debt free.
Are you interested?
Click here to register: https://chinkshop.com/
“Ang tunay na IPONaryo ay taong maunlad dahil maabilidad.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Paano ka magiging isang certified IPONaryo?
- Anong mga pumipigil sa gusto mong gawin?
- Anong kulang para makamit ito?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“SMART BUDGETING”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2CwjlFn
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.