I want you to check your valuables now….
Ang bag mo ba, wallet, cellphone,
o mga damit ay branded ba o mamahalin?
“Naka iPhoneXXX me.”
“Louis Vuitton bag siyempre.”
“I’m a Prada fan.”
Nice that you were able to afford it.
Meaning, may extrang pondo ka.
Singilin man ng credit card company,
fully paid at hindi kung saan saan
naghahagilap ng pang monthly.
Maski mahal, ang savings o
pambayad sa mga importante
ay hindi nasasakripisyo.
Pero kung kabaliktaran ang ganap…
- May iPhone nga wala namang iPon.
- Naka Louis Vuitton nga luhaan naman sa dami ng utang.
- Prada nga ang bag, naputulan naman ng kuryente.
Tsk. Tsk. Tsk.
Patay tayo diyan.
Kung gusto mo maging IPONaryo
Dapat ikaw ay…
“May DISIPLINA at hindi puro LUHO ang inuuna.”
Paano natin ito magagawa?
LEARN TO WALK AWAY
(Photo from this Link)
Always and I mean ALWAYS ask yourself:
“May pera ba ako para dito?”
“Kakapusin ba ako pag binili ko ito?”
“Kapag siningil ako ngayon, may mailalabas ba ako?”
Kung negative ang sagot,
bitawan na ‘yan mga Ka-Chink!
Lason ‘yan sa ating wallet.
Umalis sa kinalalagyan o
pigilan ang sarili sa online shopping.
Huwag natin ipilit ang wala.
BE A BUDGETARIAN
(Photo from this Link)
Budgetarian?
‘Yan ba yung gulay lang ang kinakain?
Vegetarian yu’n!
Kung ang vegetarian ay gulay lang ang kinakain,
ang budgetarian naman,
disiplina lang ang kinakain at
dumadaloy sa sistema sa bawat perang inilalabas.
Up to the last centavo inililista!
Tubig, kuryente, ilaw – given na yu’n.
Pero ultimo pamasahe na P8.00
Chichirya na P5.00
Candy na P1.00
Walang pinalalagpas.
Sa ganitong paraan, mas nagiging
responsable sila sa pag-manage ng kanilang pera.
Nalalaman kung saan napupunta
kung tama ba ang pinag gamitan o ‘di kaya’y
may kailangan bang alisin o bawasan.
LIBRE LANG MAGING MALIGAYA
(Photo from this Link)
“Ito lang ang ikaliligaya ko!”
“Pabayaan mo na ‘ko Chinkee, ang lungkot ko..”
Hindi totoo ‘yan!
Kahit disiplinahin pa natin
ang ating mga sarili o
hindi man tayo mabuhay sa luho,
okay lang yu’n!
Bakit?
Ang kaligayahan ay
wala sa mamahaling bagay.
Minsan, mura lang pero kadalasan,
nasa kung paano lang natin
tignan at ina-appreciate
ang mga nasa paligid natin.
Nandiyan ang pamilya, kaibigan,
trabaho, at chance na mabuhay sa araw-araw.
Yu’n lang, dapat sapat na.
To know more about how to be an IPONaryo,
Join me on my next seminar:
#IponPaMore: Hit Your Financial Goal This 2018!
January 20, 2018
Victory Greenhills Center
P500 with FREE book
Click here to register: https://chinkshop.com/
“Ang tunay na IPONaryo ay taong may disiplina at hindi puro luho ang inuuna.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ay maluho?
- Bakit mo ito ginagawa?
- Paano ka magiging masaya ng hindi masyado gumagasta?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“10 MOST COMMON REGRETS IN LIFE”
Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2DeVv11
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
=======================================================
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.