Minsan n’yo na bang naranasan ito…
Naiinis ka na lang bigla?
Ikaw mismo hindi mo maintindihan
yung sarili mo kasi ayaw mo ng ganito,
ayaw mo rin ng ganyan?
Para bang hindi mo alam
kung saan ka lulugar?
Masyadong extremes kung baga.
Halimbawa:
Kapag mainit, nagrereklamo.
Nung lumamig ang panahon, nagrereklamo din kasi maginaw.
Kapag maaraw, naiinis.
Nung umulan naman, naiirita din.
Kapag madaming tao sa mall, nababadtrip.
Nung maluwag naman, eh naghahanap ng tao!
Kapag nandyan kaopisina mo, nasisira araw mo
Nung nag-absent naman s’ya, hinahanap mo naman.
Daig pa natin yung buntis sa mood swings.
Hindi malaman kung anong gusto mangyari.
Lagi na lang may kumento sa bawat
nangyayari sa buhay.
Kaliit-liitang bagay, papansinin
at magpapa-apekto, kaya tuloy nasisira ang araw.
Ano ba talaga KaChink?
Bakit ang gulo natin minsan?
Bakit tayo sala sa init sala sa lamig?
BAKA WALANG PINAGKAKAABALAHAN ISIP
(Photo from this Link)
Kasi kung busy tayo,
yung mga maliliit na bagay,
hindi na natin mapapansin ‘yan eh.
Eh siguro, wala tayong ginagawa
kaya lahat ng makita eh bibigyan natin ng pansin
para masabi lang na busy ang isip.
Kung wala namang makabuluhang
nangyayari sa pagpansin natin,
divert kaagad ang attention.
Humanap ng pwede gawin
that will develop us, improve us,
and make us productive.
Because again, maliit na bagay lang ‘yan.
Huwag pag-aksayahan ng panahon.
IDENTIFY YOUR TRIGGERS isip
(Photo from this Link)
Bakit ba tayo naiinis?
Tuwing kailan tayo hindi mapakali?
May naaalala ba tayo kaya tayo ganyan?
Mahalaga kasi na alam natin
kung anong pinanggalingan
or else, sa kada oras na mae-encounter
natin ito, wala, lagi lang tayo maiinis o mapipikon.
Ultimo sarili natin hindi na natin naiintindihan —
Minsan iiyak na lang sa sobrang frustration
kasi ang gulo ng nararamdaman natin.
So best solution, find the root cause.
DON’T COMPLICATE THINGS isip
(Photo from this Link)
Simple lang naman ang buhay.
Yung mga bagay na ikasisira ng mood natin,
ano ba naman yung iwasan na lang?
Kung…
- Mainit, eh di mainit, kung malamig, malamig.
- Mataas ang araw hayaan na lang, kung umulan, thank God kasi nadidiligan ang mga halaman.
- Traffic wala na tayong magagawa, kung maluwag naman, celebrate kasi minsan lang mangyari.
Huwag na nating palakihin at
gawin kumplikado by posting pa sa FB
ng ating mga hanash just because
we encountered something na hindi natin gusto.
Lalaki lang ito.
Para itong tinta na nabasa kaya kumalat
at lumaki ang damage.
Focus on what’s important.
Nand’yan ang Panginoon, pamilya, at kaibigan —
there are so many things to keep our minds busy.
“Huwag nang palakihin at gawing kumplikado ang isang bagay.
Mag focus na lang sa dapat gawin para hindi maguluhan ang isip.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ay sala sa init, sala sa lamig?
- Sa anong mga instances mo ito nararamdaman?
- Paano mo kaya ito kokontrolin?
====================================================
WHAT’S NEW?
DIGITAL MONEYKIT @P2,499
For more details, click here: http://bit.ly/2K6QLZZ
DIGITAL IPON KIT @P299
For more details, click here: http://bit.ly/2MHBzYG
UPCOMING SEMINAR:
“JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now, Asenso Later!” P499- Early Bird Rate
To reserve your slots, go to http://bit.ly/2v5Pg8U
=====================================================
NEW VIDEO
“GUSTO MO BA MAG-UMPISA NG SARILI MONG NEGOSYO?”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2Mxjxcd
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.