Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan, ramdam na rin ang saya sa paligid. Pero may mga tao rin na kahit anong saya ng mundo, sila yung minsan nakakapanghina ng lakas. Naku, matinding iwas ang kailangan nating gawin sa kanila.
Ilan lamang ito sa mga dapat nating tandaan na hindi naman lahat ng tao ay kailangan nating i-please. Dahil ang mahalaga ay ang kabutihan pa rin para sa Panginoon.
Kaya naman para sa mga taong
LAGING GALIT
Alamin ang mga nagpapagalit sa inyo. Huwag n’yong hayaan na mapuno ng galit ang inyong mga puso. Kahit gaano pa kalupit ng mundo, may mga magagandang nangyayari pa rin sa buhay natin.
Iwas-iwasan nating magalit agad sa mga maliliit na bagay. Huminga nang malalim bago gumawa ng mga desisyon upang hindi maging padalos-dalos ang ating gagawin.
Piliin nating maging masaya at umiwas din sa mga taong
PUNO NG INGGIT
Para sa mga taong nalulungkot kapag may magandang nangyayari sa buhay ng ibang mga tao, isipin n’yo rin ang mga bagay na mayroon kayo.
Huwag natin tingnan ang mga kulang sa atin; ang mga wala sa atin. Tingnan natin at ating ingatan ang mga biyayang natatanggap natin.
Huwag din tayong magpapadala sa mga tukso sa paligid natin para lamang makuha natin ang ating gusto. May tamang panahon na nakalaan para dito.
Hindi dapat ito pinupwersa kundi, kailangan pagpaguran at paghirapan. Huwag tayo maging
GRABE SA GANID
Isa sa nagpapalungkot ng isang tao ay ang pagiging ganid dahil hindi niya nakikita kung ano ang mayroon siya. Laging kulang at hindi sapat ang lahat ng bagay.
Hindi makabubuti kung lagi nating iisipin na hindi sapat ang ginagawa ng ibang mga tao sa paligid natin dahil hindi rin natin alam ang mga sakripisyong ginagawa nila.
Kaya kailangan ay bigyan natin ang ating sarili ng pagkakataon upang piliin na maging masaya kahit sa simpleng bagay lamang. Dahil minsan, ang mga simpleng bagay pala ang tunay na bubuo ng kahulugan ng kaligayahan sa ating buhay.
“Ngayong kapaskuhan, piliin nating maging masaya
dahil sabi nga: Habang may buhay, may pag-asa.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga negatibong pag-uugali ang gusto mong baguhin?
- Paano ka nagiging blessing sa ibang mga tao?
- Sinu-sino ang mga taong nagpapasaya sa ‘yo at may magandang impluwensya sa iyo?
—————————————————
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: Chinkee Tan
YouTube channel: Chink Positive
Instagram: @chinkeetan
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.