Naranasan mo na bang magkamali sa pera? Nagpautang sa iba pero hindi nabayaran? Nag-negosyo pero nalugi? Nag-invest pero na-scam?
Naku! Mahirap iwasan ang pagkakamali sa buhay, kasama na rito ang pag-handle ng ating kaperahan. Matinding disiplina at decision making ang kailangan mong gawin. Lalo na kapag nagsisimula ka pa lamang sa isang business o investment, tandaan na…
DO NOT INVEST ON SOMETHING YOU DO NOT KNOW
Be realistic. Alamin mo kung ano ang possible at imposible. Do your own research, especially sa investments. Kahit gaano pa kalaki ang sinabi sa ’yong kikitain mo sa isang investment, do not invest yet until you know what you are truly investing for. Huwag kang mag-i-invest sa isang bagay na hindi mo tunay na nauunawaan.
THE HIGHER THE INVESTMENT, THE HIGHER THE RISK
May mga investments na takaw-mata. Kapag mataas daw ang ininvest mo, mas mataas ang kikitain. Naku, my friend, the truth is, the higher the investment, the higher the risk. Mas mataas ang i-invest mo, mas mataas ang posibilidad na mawala ito.
Pero with the right research, timing, and advice from financial experts, maaari mong malagpasan ang risks na iyon.
Depende pa rin ito syempre sa kakayahan mong mag-invest. Huwag mag-invest ng perang hindi mo kakayaning mawala sa iyo. Lalong huwag mag-invest ng pera sa hindi mo mapagkakatiwalaang entity.
My friend, if it’s too good to be true, chances are it is not true.
NEVER INVEST BASED ON TRUST
Naku, mag-i-invest ka dahil may tiwala ka sa tao? Hindi ka lolokohin? Remember, the people who we think we can trust are the same people who can hurt us most.
Mag-invest based on research kung maganda ba ang background ng kumpanyang pag-iinvestan mo, afford mo ang investment na kukunin mo, afford mo ang risk na mawala sa ’yo ang perang ininvest mo, at kung kaya mong maghintay na palaguin ito.
Huwag mag-invest based on emotions. Baka ma-scam ka.
Always remember…
“Prevention is always better than cure. Kaya alaming mabuti kung saan mo pinapasok ang pera mo para iwas manloloko at ikaw ay secured.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Naranasan mo na bang magkamali sa pera?
- Ano ang naging karanasan mo?
- Ano ang lessons sa karanasan mo ang natutunan mo para sa susunod na investments mo?
Watch this video:
Para Maka-iwas Sa Lugi: Panoorin Ang 3 Tips To Avoid Scams
Click here: https://youtu.be/AtcsqDB0lX4
Matuto para iwas scam!
Enroll now sa aking online course HOW TO RETIRE BEFORE 50. Register Now for only 799!
RETIRE YOUNG AND LEARN HOW TO INVEST: Invest and do the right thing. Click here https://lddy.no/8vaq
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.