“Jesus take the wheel..” ang sabi sa isang kanta.
But do we really do it?
Pina-paubaya ba natin talaga sa Kanya ang buhay natin?
Kelan ba natin naaalalang kausapin ang Diyos?
Kapag ba:
“Thank you Lord for my life”
“Thank you Lord for all the blessings”
O sa tuwing may dumarating lang ba na mabigat na problema sa buhay natin–
- Natanggal sa trabaho
- Nalugi ang negosyo
- Nasalanta ng bagyo.
Ano ba dapat ang una nating ginawa sa tuwing sa tuwing may dumarating na unos?
ASK JESUS FOR HELP
(Photo from this Link)
Yes, ito dapat ang una.
Hindi last resort.
When we’re making decisions…
Hindi ba’t kadalasan pansariling interes ang kino-consider natin?
“What’s in it for me?”
“Ika-liligaya ko ba ito?”
Minsan, nalilimutan natin na ang prayer should be our steering wheel in life.
Ito dapat ang gumagabay sa atin araw-araw hindi lang kung may kailangan tayo.
Sa tuwing may major decision tayo, we should pray for the guidance of Jesus, trust in His plans, and remember His will.
For a change, baka pwedeng ito ang itanong natin sa ating sarili:
“How can my decision serve Him?”
“Aayon ba ang decision ko sa gustong mangyari ng Panginoon sa buhay ko?”
Through prayer…
Magpasalamat tayo for all the blessings.
Pati na din sa iba pang biyayang ipagkakaloob niya sa atin.
PROBLEM SOLVING MODE ON
(Photo from this Link)
“Ano ang kaya kong gawin at unahin?’’
“Kailangan na bang humingi ng tulong sa kapamilya at kaibigan?”
Ilan lang yan sa mga kailangan nating itanong sa sarili.
Breaking it down will eventually lead us to options that we can explore.
Pero magagawa lang natin ito with a calm and analytic mind.
“Magdasal araw-araw para hindi maligaw.”
-Chinkee Tan, Motivational Keynote Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- What do you pray for everyday to Jesus?
- Tuwing kelan ka nagdarasal?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.