Kailan mo huling niyakap ang mga magulang mo?
Kailan mo sila huling sinurpresa?
Kailan ka huling nakapag-hagalpakan at nakipag-chikahan sa kanila?
Kailan mo sila huling pina-salubungan ng paborito nilang pagkain?
Kailan mo sila huling niyayang mamasyal?
Kailan mo sila huling sinamahan sa hospital?
Kailan mo sila huling ipinagluto?
Kailan mo sila huling nalibre ng ice cream?
Kailan mo sila huling ibinida sa mga kaibigan mo?
Kailan ka huling nakinig sa mga kwento at payo nila ng walang interruption?
Kailan ka huling nagbigay ng undivided attention sa kanila?
Kailan mo sila huling naipanalangin?
Kailan mo huling sinabi sa kanila na mahal mo sila?
Kailan mo huling naiparamdam ang pasasalamat mo sa kanila sa lahat ng ginawa nila para sa ‘yo?
(Photo from this Link)
Kailan?
Kailan natin gagawin ito?
Kapag huli na ang lahat?
Kapag wala na silang hininga?
Kapag hindi na nila tayo naririnig, nakikita at nararamdaman?
Kapag nakaratay na sila sa ataul?
(Photo from this Link)
Huwag kapatid.
Huwag nating kalimutang…
Sila ang dahilan kung bakit tayo andito sa mundong ito…
Sila ang nag-aruga at kumalinga sa atin nung mga panahong wala pa tayong kayang gawin kundi dumede at umiyak..
Sila ang walang sawang nagmamahal at sumusuporta sa atin sa lahat ng season ng buhay natin..
Sila ang paulit-ulit na nagsa-sakripisyo mapabuti lang ating kalagayan..
Sila ang hindi napapagod magpatawad at umintindi sa atin..
Sila ang una nating guro at doktor..
(Photo from this Link)
Higit sa lahat, huwag nating kalimutang sila ang bigay ng Dios sa atin para mahalin, irespeto, kalingain at pahalagahan.
Hindi man perpekto ang ating mga magulang (tayo rin naman), they still deserve to be loved, valued and remembered until their last breath. Not because we have to, but because God wants us to.
“Kailan pa natin ipaparamdam na mahal at mahalaga sila sa atin? NGAYON na.”
-Chinkee Tan, Wealth Coach Philippines
THINK. REFLECT. APPLY
- How’s your relationship with your parents?
- Anong maaari mong gawin ngayon para makabawi sa kanila?
- Have you thanked GOD for your parents?
***********************************************************************************************
To learn more on how to become wealthy and debt-free, please subscribe to my YOUTUBE channel by clicking this link https://www.youtube.com/chinkpositive
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.