Anong nararamdaman mo kapag nakakakita ka ng bagong restaurants?
“Uy, may bagong bukas na resto doon sa Makati. Ano, game?”
“Ayokong magbaon, kakahiya. Dami naman nabibilhan dito.”
“Subukan natin ang mga kainan doon, oh. Tapos, post natin sa Instagram.”
Ang saya-saya! Exciting! Ang sarap isa-isahin!
Sa lahat ng favorite hobbies nating mga Pinoy, isa na rito ang kumain!
Walang masama sa pag-enjoy, lalo na kapag may extrang pera ka naman para dito.
Masarap kasing kumain, eh. We’re adventurous and curious to try out new things. Kaya naman, kung anong bago at kung anong gusto natin depende sa trip, doon tayo dinadala ng mga paa natin.
Wala rin namang masama maging “Dora the Explorer” pagdating sa ganito o ‘yun bang, sumubok ng iba???t-ibang kainan. Pero kung nabubutas na ang bulsa mo at nasa-sacrifice na ang budget mo dahil dito, mukhang kailangan mo nang mag-slow down.
Ano ba ang mga kailangan nating tandaan para hindi tayo mamulubi?
SET A BUDGET.
Ano ba ang mga kadalasang nasa budget list natin? Nandito ang:
- Transportation.
- Food for the day.
- Bayad sa upa.
- Kuryente at tubig.
Tingnan mo, may lugar ba rito ang fancy meal o restaurant hopping? Kung wala, ibig sabihin, ang mga ginagastos at ginagalaw pala natin sa kakakain ay nakalaan para sa mga importanteng bagay na nasa listahan natin.
Kaya kung nagtataka ka kung bakit bigla itong nagkukulang, iyan ang dahilan.
If you really want to do this, save up for it first. Gawin mo itong motivation or reward for your hard work. Pwedeng every month or every other month, basta it???s an extra money.
BRING YOUR OWN BAON.
Bakit ba ayaw ng iba sa atin na magbaon?
“Ayoko! Ang laki-laki ko na, magbabaon pa ako?”
“Para naman akong kawawa niyan.”
“Nakakahiya, baka sabihin nilang wala akong pera.”
Una sa lahat, walang nakakaawa sa taong wais sa pera. Busog nga ang tiyan natin, pero gutom naman ang bulsa at savings natin dahil wala na itong laman. Hindi ba???t mas nakakahiya ‘yun?
MAKE TIME TO PREPARE FOR IT.
“Chinkee, wala akong panahon para magluto.”
Kung walang panahon, hanapan ng panahon. ‘Yung mga oras natin sa gabi na kinakalikot lang ang CP o nanunuod ng TV, use it to prepare your baon. Either you cook or gamitin mo ang ulam niyo that night as your baon for the next day.
Besides, walang mahirap at nakakapagod sa taong willing magtipid. I’m telling you, malaki ang maitatabi natin with this simple trick.
CHOOSE SOMETHING THAT IS BOTH AFFORDABLE AND ENJOYABLE.
Hindi porke’t nade-deprive tayo sa mga kainan na hindi kaya ng budget natin, it doesn’t mean na hindi na tayo pwedeng mag-enjoy. Kung minsan pa nga, mas masaya pa rin talaga sa pakiramdam kumain ng mura, pero masarap.
Try out restaurants that are newly-opened, less crowded, less visited, or mga soft opening pa lang because these are the ones that offer great deals.
Bago pa man sila magtaas ng presyo, natikman mo na at nakatipid ka pa.
JUST SAY NO.
Kung wala sa budget, say NO.
Kung hindi mo kaya, say NO.
Wala namang pumipilit sa atin. Kung tunay silang kaibigan, maintindihan nila. Challenge yourselves instead to find a cheaper, but delicious food options.
THINK. REFLECT. APPLY.
Mahilig ka bang mag-restaurant hopping?
Nauubos ba ang pera mo dahil dito?
How can you save and enjoy at the same time?
Are you having a hard time making saving money a habit? Do you want to know the best ways to save money? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.