Maaga babangon
Late na uuwi.
#PUYAT
Hindi kakain ng agahan
dahil nagmamadali kasi baka ma-traffic
tapos 2PM na, pati tanghalian, nilagpasan.
#ULCER
Walong oras naka-upo sa opisina
papunta at pauwi, nakaupo lang din sa jeep o fx
Hindi nage-exercise, hindi natatagtag.
#SLOWMETABOLISM
Iilan lamang ito sa ginagawa natin araw araw
na hindi natin namamalayan eh
nakadudulot pala ng sakit.
Ang minsan ay okay lang pero
kung dirediretso, naku po.
Recipe ito for disaster sa ating kalusugan.
Minsan din kasi hindi naman natin pinapansin
thinking na okay naman tayo:
“Nagva-vitamins naman ako.”
“Hindi naman siguro, bata pa naman ako.”
“Wala naman ako nararamdaman.”
Sa ngayon wala pa.
Hindi naman sa nananakot ako pero
kailangan natin maintindihan na hindi lang
trabaho at pera ang importante,
more than that, dapat pahalagahan din
natin ang ating kalusugan.
Dahil remember, a healthy lifestyle
will give us a healthy body and a clear mind.
Paano natin gagawin ito?
MATULOG NA KAAGAD
(Photo from this Link)
Pagkakain, pagka sipilyo at hilamos
Matulog na kaagad ng diretso.
Huwag na nating ipilit na
mag cellphone pa o manuod pa ng TV.
“Eh pampatulog ko yun.”
No, it’s not true.
Habang tumatagal na may nakikita
tayong interesting, mas lalo lang tayo
pinipigilan nito na makapagpahinga.
Hanggang sa ‘di na natin namamalayan na
madaling araw na pala!
Tapos in a few hours, gigising na naman!
Sino ngayon ang napuyat dahil
kulang sa tulog? Di ba tayo din?
KUMAIN SA TAMANG ORAS
(Photo from this Link)
“Hindi talaga kaya, dami kong gagawin.”
Iyan ang isa sa “WORK MYTHS” kung tawagin
na kesho walang oras kaya hindi kumakain.
Alam niyo mga KaChink, hindi naman
mauubos ang trabaho kapag hindi tayo kumain
sa tamang oras. Nandiyan pa din ‘yan.
Paano tayo makakaisip ng mabuti at
magkaka-energy kung walang laman
ang ating kumukulong tiyan?
Hahayaan na lang ba natin na mahilo tayo,
mamutla sa gutom at mamilipit sa sakit?
Uy ‘wag naman.
Kapag oras ng kain, oras ng kain.
Kapag oras ng trabaho, oras ng trabaho.
Timing lang kapatid.
PILITING MAG-EXERCISE
(Photo from this Link)
“Nako wala na nga akong oras, gym pa?”
Hindi naman kailangang dumayo pa sa gym
para lang magawa natin ito.
Napaka daming alternative.
Kung hindi naman kataasan, mag hagdan.
Kapag malapit lang ang pupuntahan, maglakad.
Sa break time naman, mag chair exercise.
Huwag natin ipagkait ang kaunting oras
para magawa ang mga simpleng bagay na ito.
Dahil once na tayo’y magkasakit,
baka mas marami pang mawala sa atin.
“Ang iyong kalusugan ay isa sa iyong pinakamahalagang kayamanan
kaya higit pa sa pera, ito ay lagi dapat pangalagaan.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Mas napapahalagahan mo ba ang trabaho kaysa sa kalusugan?
- O balanse ka lang?
- Paano mo maaalagaan ang sarili maski nasa opisina?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREE P3,000
Click here: http://bit.ly/2F3GwHa
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“LONG TERM INVESTMENT VS. SHORT TERM INVESTMENT”
Click here to watch➡➡➡https://youtu….e/d3GHPrh8sI0
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
=====================================================
UPCOMING SEMINAR
“Happy Wife, Happy Life LIVE STREAMING”
Registration: P950 per couple
March 10, 2018
With ONE MONTH Free Access and FREE Book
Click here: http://bit.ly/2ovAfKo
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.