Nagseselos na ba minsan ang
asawa mo sa pamilya mo?
Sila ang ating pinakasalan pero
yung oras at pera natin sa mga
kapatid at magulang lang napupunta?
Minsan mas madami pa ang oras
natin doon kaysa sa sarili nating bahay?
Ito ang kadalasang nagiging problema
ng mga mag-asawa. Kasi sila yung
pinakasalan natin pero yung atensyon natin
ay mas nakukuha pa ng ibang tao.
Buong araw na nga nasa trabaho…
Minsan na nga lang mag-abot sa gabi…
Hindi pa natin maibigay yung oras.
Tapos pati ba naman sa sweldo,
may kahati sila?
“Pamilya ko yun Chinkee”
“Sabi naman niya okay lang”
“Hindi ko sila matiis”
Keep this in mind:
ILAGAY SA LUGAR ANG PAGTULONG AT PAGBIGAY NG ORAS KASAL
(Photo from this link)
Wala naman masamang tumulong
at magbigay ng oras sa kanila
pero kapag napapabayaan na natin
si misis o mister dahil mas tutok tayo
sa dating buhay na nakagisnan natin,
hindi na ito tama.
“Du’n muna ko sa kabila ah”
“Huwag mo na ‘ko hintayin, dito na ‘ko kakain”
“O ano naman kung magbigay ako sa kanila?”
Kasi tandaan na nag-asawa tayo to create
a new life WITH THEM and not to
make them a second priority o
yun bang palamuti lang.
Kung gusto natin dumalaw o magbigay
wala namang problema pero
usap muna tayo kasi baka
may maapektuhan sa desisyon nating iyon.
PERA N’YO, PERA N’YO, HINDI PERA NILA (AGAD) KASAL
(Photo from this link)
Yung sweldo natin diretso ba kaagad sa
ating magulang at kapatid bago pa man
malaman at mahawakan ni misis?
Ay away nga ‘yan kapatid.
Yung kinikita nating mag-asawa,
dapat transparent tayo sa isa’t isa
plus, parehas tayong nagdedesisyon
kung saan ito mapupunta at hindi
yung isa lang ang may “SAY” sa lahat.
Paano tayo makakapag budget
at makakapag ipon niyan kung
sa una pa lang, wala ng opportunity
para gawin ito ‘di ba?
Kami man ay tumutulong sa aming pamilya
pero siguraduhing unahin muna natin
yung pangangailangan ng sarili nating pamilya
bago tayo magdecide na maging generous sa iba.
IWASANG MAG KUMPARA KASAL
(Photo from this link)
“Buti pa Nanay ko ang sarap magluto”
“Di nga ako pinagbabawalan noon gumimik, ikaw pa kaya?”
“Hay nako, mas magaling pa sa gawaing bahay ang mga kapatid ko sa ‘yo”
Eh kung ganito na rin lang ang tingin
natin sa kanila, na pinaparamdam natin
na sila ay mali sa bawat kinikilos nila,
sana hindi na muna tayo nag-asawa pala.
Una pa lang, dapat alam natin na
we are two different people.
Hindi dapat natin sila pinakasalan dahil
lang sa luto nila o abilidad sa loob ng bahay
at pag-aalaga ng mga anak.
Pinakasalan natin sila because
we love them for who they are
regardless of their strengths and weaknesses.
“Walang kinakasal na mas inuuna pa ang iba kaysa sa sariling asawa. Kaya bago pa man mapunta sa magulang at kapatid ang iyong oras at kinikita, siguraduhing ito’y napag-usapan muna.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Sa bawat desisyon, nauuna ba muna si mister at misis bago ang magulang at kapatid?
- Kung OO, paano mo ito babaliktarin para naman hindi na pag-ugatan ng away?
- Willing ka bang baguhin ang nakagawian para hindi unfair sa asawa?
====================================================
WHAT’S NEW?
MY BADYET DIARY (NEW BOOK) for 150+100 sf
To order, go to http://bit.ly/2NUkSqi
Also available in BULK ORDERS
BUSINESS IN A BOX: Process before Profit Online Coaching
@4,999 (instead of P9,999)
To register, go to: http://bit.ly/2QgtB6H
FREE 30-day replay
CHINKTV (ONLINE COURSE) for P799
How to Retire at 50
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
Chinoypreneur
To register, go to http://bit.ly/2PCd7Xi
ONE YEAR Access!
=====================================================
NEW VIDEO
“CHINKEE TAN WAVE 10: TIPS IN REAL ESTATE BUSINESS”
Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2DPSLXN
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.