Busy at hectic na naman ba ang araw mo? Sunod-sunod na trabaho… mahabang oras ng commute… tambak na labahin sa bahay… lahat ito maaaring naranasan mo. Pero bago matapos ang araw na ito, natandaan mo ba yung chocolates na binigay sa iyo ng boss mo for your hardwork? Yung kaibigan mong sinundo ka sa office dahil maulan at wala kang payong pauwi? Yung staff ng laundryshop na binigyan ka ng discount?
It may be a long day for you, pero sana hindi mo makalimutan ang mga positive na nangyari ngayong araw.
“A little bit of kindness goes a long way,” ika nga.
Alam naman natin na maraming epekto ang paggawa at pagtanggap ng kabutihan. Bukod kasi sa napo-promote nito ang pagkakaroon ng gratitude, compassion, at empathy sa bawat isa, ‘di maitatanggi na mayroon itong positive effect sa health at well-being natin.
DO SMALL THINGS WITH GREAT LOVE
Sabi ‘yan ni Mother Teresa. We can show kindness even through small, simple gestures. Pagbuksan mo ng pinto yung taong kasunod mo sa pagpasok sa fastfood chain. Tulungan mo sa pagbitbit nang mabigat yung mga kasama mo sa lakad. O kaya naman, just ask someone kung kumusta na ang araw niya. Be a good listener kung may ikukwento siya.
KUNG MAY EXTRA TIME KA NAMAN…
Why not exert extra effort din? Send out an encouraging note or a “thank you” note to anyone via e-mail or thru sticky note! Doing this could easily put a smile sa mukha ng makare-receive nito.
Kung may family time ka naman, pwede mong ipagluto ang family mo, and then a have a good dinner with them.
Kung business-minded ka, pwede mo rin i-share ang business knowledge mo sa friends mo. Sa ganitong paraan ay matutulungan mo rin silang makaisip kung papaano mapalalago ang finances nila.
At syempre, mabuti ring i-share ang iyong blessings sa pagdo-donate at pagvo-volunteer sa mga charity na tumutulong sa mga nangangailangan.
GRAB EVERY OPPORTUNITY TO BE KIND
Everyday is an opportunity to be kinder. Kahit gaano pa kasimple ‘yan, hindi ‘yan masasayang. Even the simplest act of kindness could brighten up someone else’s day.
“Even the simplest act of kindness could still turn your bad day into a good one.”
Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong mga mabubuting bagay ang nagawa mo ngayong araw?
- Ano ang epekto nun sa ’yo at sa receiver ng kabutihan na iyon?
- Anong mga mabuting gawain pa ang pwede mong magawa para sa iba?
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.