Sino ba ang ayaw yumaman? Syempre lahat tayo
‘di ba? Pero bakit hindi lahat nagiging rich and
successful? Para lang ba sa mga mayayaman iyon?
|
Kapag mahirap na, hindi na pwedeng maging mayaman,
hindi na pwedeng umunlad at umasenso sa buhay? Lahat
ng sipag at tiyaga nagawa na natin pero mahirap pa rin.
Parang wala nang pag-asa. Mukhang kailangan talaga
tanggapin na lang natin. Pero paano kung ishi-share ko
sa inyo ang mga paraan para maging mayaman?
Baka may mali lang sa ginagawa natin. Let me share
some ways on how to be rich.
BE DISCIPLINED
Yes. You don’t need to be the smartest person in the world
to be rich and successful. You need to be disciplined. This
means we should not waste our time on distractions.
Ano ba yung mga distractions? Ito yung mga ginagawa natin
na hindi naman productive. Meaning sayang sa oras at sa
panahon. Imagine, everyday nakababad lang tayo sa FB.
Ano naman ang mapapala natin? Okay lang naman kung may
online business tayo kaya tayo nakababad sa FB pero kung
para lang mag-selfie at mag-comment, it’s a waste of time.
Ito pa, sa buong araw nanonood lang tayo either ng TV or
sa YouTube. O kaya naman naglalaro lang buong magdamag.
Hindi naman tayo kumikita dito. So this is a waste of time.
Okay lang magpahinga at magtanggal ng stress. Pero kung
ilang oras na yung nasayang natin dito, think again. May
iba pang gawain na mas magiging productive tayo.
ASSOCIATE WITH MORE AMBITIOUS PEOPLE
Lista ka ng tatlo hanggang limang tao na lagi mong kasama
at lagi mong kakwentuhan. Sa tingin mo ano ang mararating
n’ya pagkalipas ng lima hanggang sampung taon?
Most likely, ganun din ang kababaksakan mo. So think different.
Widen your horizon. Humanap ka ng mga taong mag-i-inspire
rin sa ‘yo to dream more and do more than what you’re currently
doing.
Surround yourself with more motivated people and friends
para makita mo ang ibang mundo at kung paano rin sila
mag-isip ng mga bagay na ikauunlad din ng iyong buhay.
Do this not to take advantage of them but to be more
inspired and to learn more dahil kung sawa ka na sa buhay na
mayroon ka, kailangan mong kumilos at gumawa ng paraan.
Huwag mong antayin na manalo ka sa lotto o yumaman
sa mga tinatayaan mo kung may paraan naman na mas
ikauunlad ng sarili mo mismo at ng buhay ng pamilya mo.
SEEK KNOWLEDGE
Marami ang takot pumasok sa negosyo o kaya naman sa
investment kasi hindi nila alam ang papasukin nila. Pero hindi
naman talaga business or investment ang risky. Dahil…
Ignorance is risky. Yes. Risky kung wala tayong alam pero
kung alam natin, risky pa rin ba? Kung alam natin kung paano
mag-drive ng sasakyan, risky pa rin ba? Syempre oo.
Pero less ang risk kung alam na natin kung paano at kung
alam na natin ang rules. Ganun din sa negosyo at sa investment.
May risk pero mababawasan ito kung alam na natin ito.
So invest for something that will widen your knowledge or
something that will help you to understand everything about
the business or investment that you are interested with.
Marami ang nalulugi dahil pinasok nila ang isang bagay na
hindi naman talaga nila alam. At marami ang natatakot dahil
ayaw naman nilang matuto. So baguhin na natin ito.
“Walang taong yumaman sa isang bagay na hindi n’ya inalam.
Kaya huwag nating sayangin ang oras natin sa kawalan.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Sa tingin mo, gaano ka na ka-successful after 5-10 years?
- Gaano ka ka-inspired na matuto at malaman ang mga bagay na gusto mo?
- Sinu-sino ang mga taong nagbibigay inspirasyon sa ‘yo?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.