Marami ka bang bayarin?
Upa, kuryente, tuition fee ng mga anak mo, tulong para sa mga magulang mo?
Matipid ka naman.
Hindi ka na gumagastos ng kahit saan.
Limitado ang lahat ng kilos mo.
If you are stressed and confused, worry no more!
Allow me to share with you some nuggets of wisdom that can help you to get out of the gutter.
KUNG KULANG, DAGDAGAN ANG KITA
Gasgas man pakinggan, pero palagi ko itong sinasabi…
“Kung maikli ang kumot, kailangan matutong, mamaluktot. Yun nga lang, paano kung wala ng kumot?”
Hindi solusyon ang MANGUTANG.
Ang solusyon ay DAGDAG KITA.
We need to be creative na mag-isip ng pagkakakitaan.
If you tell me, na wala ka ng paraan.
If you can’t think of any, no offense meant, you aren’t thinking enough.
Ang pag-iisip ng solusyon is not dependent on how much resources you have but how resourceful you can be.
Mag-isip ka at ituon ang oras at atensyon sa paghanap ka ng dagdag na source of income.
Huwag ka panghihinaan ng loob dahil lang sa takot.
Huwag mo papayagan na yung negative natin pag-iisip ang magdikta kung kailan at saan tayo mag-uumpisa.
Huwag natin payagan yung mga taong kontrabida at hindi naniniwala na nakawin yung pag-asa mo.
Galaw- galaw lang.
Tira lang ng tira.
Gawa lang ng gawa.
Maniwala ka, tatama ka din one day.
Gagana din yung diskarte mo at yayaman ka din one day.
“Kung kulang ang kita, huwag mangungutang!”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Sapat ba ang kita mo o kulang?
- Ano ang solusyon mo?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.