Walang katapusang pila…
Pila sa MRT…
Pila sa bangko…
Pila sa Jollibee…
Pila sa terminal ng tricycle…
Pila pagpasok ng mall…
Walang katapusang pila!
Bago ka makauwi sa piling ng pamilya mo, dadaan ka muna sa sangkatutak na pila. Minsan nakakapagod na, nakakasawa at nakakaubos na ng pasensya. Ang oras na dapat ilaan para sa pamilya ang na-aksaya lang sa kaka-pila at kakahintay.
Isa sa pinaka mahirap gawin ay ang maghintay.
Naghihintay kang maligawan…
Naghihintay ka ng promotion…
Naghihintay ka ng financial provision…
Naghihintay ka na magbago ang asawa mo…
Naghihintay kang magkaroon ng anak…
Naghihintay kang kumita ang business mo…
Naghihintay kang gumaling sa karamdaman mo…
Naghihintay kang ma-approve ang application mo…
Naghihintay kang matapos ang pinapagawa mong bahay…
Naghihintay kang matupad ang mga pangarap mo…
Yan at marami pang klase ng paghihintay. Minsan nauubos na ang pisi natin sa kakahintay kaya we tend to settle nalang sa kung ano yung nandyan na. Kahit hindi na natin makuha yung best, okay lang kasi ayaw na nating maghintay.
Pero alam nyo bang may magandang naidudulot ang paghihintay?
Kung gusto mo itong malaman, read on:
WHEN WE WAIT, WE GET WHAT’S BEST
Good things come to those who wait. Para sa mga single, ika nga ni Lola Nidora, maghintay kayo sa tamang panahon. Huwag kayong mag-settle sa kung sino nalang ang available. Merong hinanda ang Diyos na sadyang para sa iyo. He makes all things beautiful in His time.
WAITING REFINES OUR CHARACTER
Waiting teaches us to hope, have faith and persevere patiently. God sometimes uses the season of waiting to bring growth in our lives. Transformation in our character happens when we choose to wait.
WE SEE GOD’S POWER DURING THE WAIT
Habang naghihintay tayo, nakikita natin how limited we are and how unlimited God is. Marami tayong hindi kayang gawin habang maraming kayang gawin ang Diyos. When we wait, we get to see God display His power.
Totoong nakakapagod maghintay, but when we wait on the LORD and when we put our trust in Him, He will renew our strength and gives us the energy and joy to wait.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw ba isang taong kulang sa pasensiya?
Paano ka maghintay?
Do you trust God as you wait?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you find this article helpful? You can also check on these related posts:
- THE VALUE OF WAITING
- MAIKLI BA ANG PASENSYA MO?
- PETMALU SA PAGKAMAINITIN ANG ULO
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.