Minsan ka na bang natawag na KURIPOT?
- Aayain ng friends kumain sa labas, ayaw.
- Sweldo day pero hindi bumubili ng reward para sa sarili.
- May pera naman, pero napaka tagal pagisapan kung siya ba ay gagasta o hindi.
Minsan nga natatawag na K.J
o walang pakikisama dahil sa sobra
higpit ng pagkakahawak sa perang kinikita.
Kung ako ang sasagot, hindi na ito bago para sa akin.
At hindi ko ikinakahiyang ako’y kuripot!
Bakit mahihiyang tawagin na kuripot
kung may dahilan naman.
Hindi naman nagdadamot, WAIS lang.
Ang mga taong kuripot…
MASINOP SA ANUMANG IPINAGKAKATIWALA SA KANILA
(Photo from this Link)
Sabi nga, “If you’re unfaithful with little things,
how much more with bigger ones?”
Kung masisimulan maging masinop
at responsable ultimo sa maliit na halagang ating natatanggap,
God is faithful to bless us with bigger things
more than we can ever imagine.
Parang trabaho lang yan,
when we strive to be excellent sa maliit at simpleng trabaho,
we will be blessed with more opportunities
dahil hindi tayo nagpabaya.
KAPAG HINDI KAILANGAN, OUT!
(Photo from this Link)
Bakit bibilin kung hindi kailangan?
Bakit gagastos kung meron pa naman?
Iyan ang mantra ng mga kuripot.
Tulad ng iba sa atin, may damit pa naman
pero hindi mapigilang bumili ng bumili
kaya yung iba nakatambak na lang at naluluma.
Dalawa lang naman ang paa
pero kung mamili ng sapatos, kala mo
parang mga octupus sa dami ng binibili.
Kaya pag naalala na meron pala,
wala, nabakbak na at nasira na sa tagal nakatengga.
MORE IPON THAN GASTOS
(Photo from this Link)
Madalas sila ang takbuhan ng mga nagsasaklolong wallet.
Hindi sila mabilis maubusan ng funds.
Kung ang iba’y nagsasaklolo na sa linggo de peligro…
Sila, chill-chill pa rin!
Madalas mang matawag na kuripot,
for sure may mahuhugot dahil
napaghandaan nila mabuti ito.
Mabuhay ang mga kuripot!
“Hindi dapat tayo malungkot ‘pag tinawag na Kuripot.
Tandaan na pinahahalagahan lang natin ang pera dahil hindi ito Pinupulot.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Madalas ka bang matawag na kuripot?
- Anong magagawa mo para matulungan ang may problema financially?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“COMPUTER REPAIR HOME SERVICE”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2GvTaNu
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.