“Grabe! Ang kuripot mo naman!”“
Ayan na si Ms. Tipid-itis”
“Hindi yan manlilibre, huwag na natin asahan!”
Ilang beses na kayong nasabihan ng ganyan?
Yung feeling bullied din dahil sa pagiging kuripot?
Bigla ba kayong pinanghinaan ng loob?
Nag-self pity? Nabawasan ng dignidad?
Hindi natin masisisi ang ibang tao
kung bansagan man nila tayo ng ganon,
“sobrang matipid”, “kill joy” o kung ano pa
dahil lang sa hindi natin tayo palalabas ng pera.
O di kaya’y nakikita nilang masyado tayong nagtitipid
na kahit sa sarili ay hindi mabilhan ng bagong damit.
Pero…nakakababa nga ba ng pagkatao ang pagiging mahigpit sa pera?
Para sa akin ay hindi, dahil ang pagiging kuripot ay…
THE NEW TERM FOR TAONG MASINOP
(Photo from this Link)
Dahil ang taong kuripot ay laging binabantayan
ang lahat ng in and out ng pera, gastusin man o savings.
Lahat yan ay naka-account. Wala dapat ma-missed out!
Kung sa loob pa ng bahay ihahalintulad,
for sure bawal ang kalat and clean-as-you-go dapat.
Ganun din sa paghahawak ng pera,
kung wala sa budget ang paggagastusan,
at hindi naman needed, hindi na dapat pag-aksayahan.
THE NEW TREND
(Photo from this Link)
Kung ang iba ay todo sa paggastos
para maging trendy sa new fashion and styles,
don’t worry kung hindi man tayo makabili ng bagong damit ngayon
o kaya’y ukay-ukay lang ang afford natin.
Ang pagiging kuripot ay nasa uso na, KaChink!
Di bale nang matawag na kuripot,
ang importante ay may naiipon at laging may nadudukot.
Kaysa lagi ngang nasa uso, kapag nangailangan naman
hikahos na hikahos at walang mapagkunan.
SOMETHING YOU MUST BE PROUD OF
(Photo from this Link)
Whether we belong sa middle class o below average status in life,
kung tayo ay kilala sa pagiging kuripot,
this is something we must be proud of.
Dahil ang totoo nyan ay hindi ito nakakababa ng pagkatao.
This only means how we meticulously value
every amount that we earn, receive and work for a living.
Wais na tayo ibig sabihin.
Mas maingat na sa bawat kalalagyan ng pera natin.
Aba! Hindi mahirap kumita ah!
Kaya wala tayong panahon para maglustay
para sa mga bagay na hindi mahalaga.
Alam lang din natin na hindi dapat laging bago.
Kung masusuot pa at magagamit, go.
Kapag may pagkain naman sa bahay o baon, go.
Naiintindihan na kasi natin na hindi kailangan
laging makisabay.
“Ang pagiging kuripot ay hindi batayan ng pagkatao,
dapat ito ay ipinagmamalaki at hindi itinatago.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Do you consider yourself kuripot?
- Proud ka din ba sa pagiging kuripot?
- How will you teach others to handle finances in kuripot way?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.