Kapag dumadating ang inyong bill sa kuryente
lagi ka bang kinakabahan, nagugulat,
at hindi makapaniwala?
Kapag nakikita natin na may mamang
naka white polo na may orange collar,
dali-dali tayong nagtatatakbo
kasi baka yun na yung naka assign
sa pagputol ng ating kuryente?
Parati na lang bang:
“Kasalanan ng gobyerno kaya ang taas ng kuryente!”
“Sinasabotahe na tayo ng China!”
“Di magaling ang Presidente at mga nasa senado”
Lagi na lang kasalanan ng ibang tao?
Eh tayo kaya, naisip ba natin na baka
may kinalaman tayo kaya mataas ang kuryente?
Gusto n’yo bang hulaan ko
at bigyan ko kayo ng clue para malaman
kung mataas ang kuryente ninyo ngayong buwan?
“Chinkee, manghuhula ka na?”
Hindi naman. Haha.
Ito’y observation lang sa
sari-sarili nating mga bahay.
Para naman pagkita natin ng bill,
hindi na tayo na sho-shookt!
Ano ang signs?
PARA KAYONG NASA RAON
(Photo from this link)
Sa mga hindi nakakaalam, ang Raon
ay sikat na bentahan ng naglalakihang tv,
radyo, videoke, at sound system sa Quiapo na
SABAY SABAY na pinapaandar.
Yes, sabay sabay!
Imagine-in n’yo na lang kung gaano
ka-ingay na halos wala na tayong naiintindihan.
Ganito ang eksena sa bahay.
Nakabukas ang TV sa sala at mga kwarto
Pwera pa yung radyo sa kusina,
Lahat nakabukas.
Ang nakatatawa pa dito, kadalasan
pare-parehas naman tayo ng pinapanuod.
Kapag kakain, ayaw patayin yung isa
dahil ang mindset “bubuksan din naman mamaya”.
Nakabukas ang TV hindi naman nanunuod
dahil nakatutok sa mga cellphone.
Eh kung ganito ang eksena araw araw,
Nako, huwag na tayong magtaka.
YUNG BAHAY KASING LIWANAG NG ILAW KAPAG NAGPAPA-FACIAL
Pansin n’yo yung ilaw sa mga facial salon?
‘Di ba yung ilaw doon, napaka liwanag?
Yung kapag dumilat tayo halos
ikabulag na natin? Haha.
Parang sa mga bahay natin,
ganito kaliwanag ang bahay kasi
lahat ng ilaw naka bukas.
Yung sa dining table, kusina, sala,
mga kwarto, banyo, garahe,
lahat ‘yan nakabukas.
Kahit alas kwatro palang ng hapon,
Bubuksan na lahat ‘yan at kinabukasan
na uli papatayin.
Nako po. Taas ng kuryente natin n’yan!
Ang wais tip ko sa inyo,
bumili ng ilaw na led na mataas ang wattage
para isang ilaw lang pero sakop na halos lahat
lalo na kung ang bahay natin ay bungalow.
Hindi na kailangang magpa-isa isa.
Kung nadidiliman naman at hindi keri ng isa,
siguraduhing patayin natin kapag hindi ginagamit.
pwede rin namang liwanag mula sa
sikat ng araw ang gamitin kung maaga pa.
PAISA-ISA ANG LABA AT PLANTSA
- Monday: Laba at plantsa ng isang uniporme
- Tuesday: Laba at plantsa ng bedsheet
- Wednesday: Laba at plantsa ng mga panlakad
…so on and so forth.
Ang labas nito, araw araw tayo
nagpapaandar ng washing machine
at plantsa — mas magastos!
Kada saksak, kada gamit,
Mas malaki ang nakukunsumo.
Mas mabuti pang ipunin na
ang lalabhan at paplantsahin
at mag assign ng araw kung kailan gagawin.
Magpatulong sa ibang miyembro
ng pamilya kung kinakailangan
para hindi man natin magawa,
merong sasalo man lang.
“Sa gitna ng nagtataasang bill sa kuryente dapat tayo ay may gawin din.
Magtipid at maging conscious sa pag gamit para kapag dating ng bill, hindi tayo magtatanong ng “OH NO! BAKIIITT?”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Magkano ang nakukunsumo n’yo sa kuryente?
- Makatarungan ba o lagpas lagpas sa budget?
- Paano kaya ito mababawasan o paano kaya kayo makatitipid?
====================================================
WHAT’S NEW?
DIARY SERIES Buy 1 Take 1
450 + 100 shipping fee (for limited time only)
To order, go to http://bit.ly/2Qot2vvBAGONG TAON, BAGONG BUHAY Buy 1 Take 1
399 (Early Bird Rate, for limited time only)
To register, go to http://bit.ly/2P8kmEMMY BADYET DIARY (NEW BOOK) for 150+100 sf
Also available in BULK ORDERS
To order, go to http://bit.ly/2NUkSqiCHINKTV (ONLINE COURSE) for P799
How to Retire at 50
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
Secrets of Chinoypreneurs
To register, go to http://bit.ly/2PCd7XiONE YEAR Access!
=====================================================
NEW VIDEO
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.