Hindi naman maiiwasan ang tampuhan minsan sa
pagsasama. Minsan din parang ang cold na. Naku!
Lalo na ngayon, nag-uulan na. Hahaha!
Kaya paano ba natin mapananatili ang init ng samahan?
Lalo na kung matagal na ang relasyon, para bang may
dull moments? Para bang hindi na tulad ng noon?
Eh kung ganun, ibalik ang noon. Yung mga panahon
na nagdi-date pa kayo. Yung mga panahon na halos
abutin ng buong magdamag sa pag-uusap sa phone.
Here are simple ways to bring back and to maintain the
fire in your relationship.
EAT TOGETHER
Naranasan n’yo ba yung magkasama kayong kumakain
pero pareho naman kayong nakababad sa phone n’yo?
Or kung partner n’yo puro phone ang inaatupag?
Picture muna bago kumain. Tapos post sa social media
tapos ayun na. Yun na yun, kakain na lang hanggang
matapos wala man lang meaningful na kwentuhan.
Ang ganda ng photo sa social media at ang daming
likes at hearts pero sa reality, ano ba talaga? For
social media na lang ang happiness? Hindi naman ‘di ba?
So create a meaningful and sweet conversation with
one another. Kahit nasa bahay lang kayo. Kahit simple
ang ulam, mas nagiging masarap dahil sa kasama natin.
So yes. Eat together kahit twice a day dahil nasa work eh,
basta no other distractions kapag kayo ang magkasama.
Hayaan ang mundo, isipin n’yo ang sarili n’yong mundo.
WORK TOGETHER
Naalala n’yo ba nung pinaghahandaan n’yo ang wedding n’yo?
Or baka ngayon pa lang, pinaghahandaan n’yo. ‘Di ba
stressful? Pero ‘di ba masaya ang roller coaster ride together?
Kahit napaka-stressful nung ginagawa n’yo together, you get
to know more about each other. At the same time, ang sarap
ng pakiramdam kapag nakita n’yo yung mismong outcome.
Hindi naman kailangan na magkasama kayo sa work, but at
least you have a small sort of project together. Parang kayo
ang bubuo together and you share different insights.
Dito n’yo rin makikita at malalaman kung paano n’yo i-hahandle
kapag stressed na yung isa o kaya mainit na ang ulo ng isa.
Kailan at paano ba natin yun maaayos effectively?
Pwede rin sa pagluluto or kung birthday ng anak or ibang
special events, make a simple project that will draw you closer to each other and help you become a more “realistic” couple na nagtutulungan.
EXPLORE TOGETHER
Syempre hindi rin mawawala ang exploration. Maganda
rin minsan na mapadpad kayo sa lugar na kayo lang ang
magkakilala. Yung wala kayong choice kundi magtulungan. Haha!
But kidding aside, it’s also a way to discover new things
about one another. Makikita n’yo kung paano n’yo aasahan
ang isa’t isa at kung paano n’yo pagkakatiwalaan ang isa’t isa.
Maliban sa iiwan n’yo muna ang work at iwan muna ang
stress, it’s more relaxing to bond and unwind together as a
couple. Yung ang iisipin n’yo lang ay ang bawat isa.
Time to tell all your dreams and future plans as individuals
and as a couple. It’s time to align your aspirations together
as one for your own family and for your growth as a couple.
Hindi naman kailangan mamahaling lugar, basta somewhere
you can find it peaceful for your mind and for your heart. It’s a
time to get closer to God and to be thankful for all the blessings.
So kung may biruan na bigyan natin ng lighter ang kaibigan
natin kapag nagsabi s’ya na parang ang cold na ng relationship
nila, let’s give them great advice instead and be a cool friend.
“It takes a lot of effort to find and to have the one true love
but you also have to give more effort to maintain that kind of love.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kailan kayo huling nagkwentuhan nang malalim at intimate ng asawa mo or ng fiance mo or ng partner mo?
- Gaano n’yo kaalam kung anu-ano ang nagpapa-relax sa partner n’yo kapag stressed na?
- Saan ang peaceful place n’yo together?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.