Ikaw ba ay isa sa milyon-milyong tumataya sa lotto araw-araw?
Kapag may nakitang bente o sampu sa wallet
diretso na sa mga lotto outlet?
Exciting naman mag-try ng
swerte sa paraang ganito.
Iniisip kasi natin paano kung
ma-hit nga naman natin ang jackpot ‘di ba?
INSTANT WINNER!
Kaya ganon ganon na lang ang
pagkahumaling nating mga Pilipino dito.
Pero matanong ko kayo,
Dito na lang ba natin isinasang-alang
ang ating kapalaran?
Araw-araw na lang ba tayong nakapila
at umaasang BAKA manalo?
Oo BAKA manalo pero BAKA DIN matagalan
sa dami ng tumataya…MILYONG katao ‘yan my friend.
Kung ito na lang ang ating ginagawang pag-asa
para iangat ang buhay ng pamilya,
eh nako, kailan pa?
Alam n’yo ang pinaka magandang gawin at
kailangang tandaan?
IPUNIN AT GAWING PUHUNAN
(Photo from this Link)
Sabihin na nating araw-araw tayo tumataya
ng tig bebente — P20 x 7 = P140 x 4 weeks = P560
Eh kung i-extend natin ng dalawa hanggang anim na buwan,
may P1,120 – P3,360 na tayo!
Alam n’yo bang sa halagang ‘yan ay
pwede na tayong magnegosyo?
Ice candy, squid balls, maliit na tindahan,
mga palamig, ukay-ukay, at marami pang iba.
Once may capital na tayo at ma-establish natin ang business
dirediretso na ang pasok ng pera kaysa
bente-bente ang nawawala sa atin kada araw.
WALANG YUMAYAMAN AGAD-AGAD
(Photo from this Link)
Wala namang mabilisang paraan
para yumaman o gumanda ang buhay.
Kailangan natin ito pagsikapan ng
matagal at mahabang panahon.
“Oh bakit, ganon din naman sa pagtaya ah,
matagal pero BAKA manalo— eh di bawi!”
Here’s the difference:
Ang lotto, hanggat hindi tayo nananalo,
nagtatapon lang tayo ng pera.
Walang balik eh.
Ang pag-iipon o pagnenegosyo,
maliit sa simula pero AT LEAST kumikita
kahit paunti-unti.
Siyempre, simula pa lang eh.
Pero once we hit the right customers or
right products to sell,
Boom! Hindi imposibleng lumobo pa ito.
KUNG TATAYA, HUWAG SERYOSOHIN
(Photo from this Link)
Ibig sabihin kung manalo eh di congrats,
kung hindi, huwag naman tayo tipong
umabot sa eksenang nawawalan na ng pag-asa.
Napaka daming opportunity na nakapaligid sa atin.
Huwag nating ikulong ang sarili natin sa
pagtaya-taya lang dahil hindi lang
hanggang doon ang ating kakayahan at oportunidad.
Explore other things.
Kung hirap sa buhay, maghanap ng trabaho o
maghanap ng additional na pagkakakitaan.
Mag part time, gamitin ang isip at
talento para kumita.
“Okay lang tumaya sa lotto pero huwag tayong umasa masyado
dahil halos imposibleng manalo dito.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Magkano nagagastos mo sa pagtaya-taya sa lotto?
- Bakit ka tumataya?
- Paano mo mamamaximize ang iyong kakayahan at hindi lang umaasa dito?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“MAGKANO DAPAT ANG KITA BAGO MAG-IPON”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2qu57vD
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.