Love is a choice. Lahat tayo, may choice kung sino ang pipiliin nating mahalin at makasama nang pangmatagalan o panghabambuhay.
Maaaring gusto mo ng partner na palangiti, malambing, nakakaakit, nakakakilig… pero sapat ba ito? In reality, hindi. Bakit? Because love is choice, but…
You don’t just choose anyone
Ang isang relasyon ay hindi lang puro ngiti, kilig, at lambing. Ito ay binubuo ng maraming importanteng desisyon, lalo na if you are thinking long-term. Kaya kilalanin muna natin ang taong napupusuan natin bago gumawa ng pangmatagalang mga desisyon.
Nagsisikap ba siya sa buhay? May maayos na trabaho? Magalang ba siya sa magulang niya? Maayos ba ang pakikitungo niya sa ibang tao? Responsable ba siya? May plano ba siya sa buhay?
Medyo seryoso ang dating ng mga tanong na ito pero ito ang reality ng pag-ibig. Hindi ito isang laro lang.
True love is a commitment
Feelings can be fleeting overtime. Kaya mahalaga na magdesisyon muna if the person is worth choosing for a long time. Kasi kapag natapos na ang burning kilig stage ninyo, the commitment to stay longer together na ang mananaig.
It is now your responsibility to work as a team to make not just your relationship work, but also to help improve each other’s lives. Tulungan, ika nga. Because you two are partners, teammates in life.
But before that, start within yourself muna.
Be someone worth choosing
Be someone worth committing to.
Nagsisikap ka ba sa buhay? May maayos na trabaho? Magalang ka ba sa magulang mo? Maayos ba ang pakikitungo mo sa ibang tao? Responsable ka ba? May plano ka ba sa buhay?
Remember na hindi lang ikaw ang may karapatang mamili ng mamahalin mo. May karapatan din ang taong pinili mo na piliin ka o hindi.
Pero hindi mo kailangan maging taong responsable at may plano sa buhay for the sole purpose of having a love life. Gawin mo ito para sa sarili mo, para sa ikauunlad ng pagkatao mo.
And in time, God will provide you choices and will guide you in choosing the love that you well deserve.
“Piliin ang taong may pangarap, hindi ang taong puro lang lambing at pasarap.“
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang mga katangiang gusto mo sa iyong partner?
- Ano ang mga katangian mo na magugustuhan sa iyo ng iyong partner?
- Ano ang mga dapat gawin to stay in love and committed sa iyong partner?
Please watch my YouTube Video:
Having your dream marriage is within your reach! The answer and solution to all your problems is within your grasp. We can help you attain your dream marriage with our seminar… “HAPPY WIFE, HAPPY LIFE!”
Click here: https://lddy.no/8vdb
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.