“Mahirap lang kami eh..”
“Nakakapagod ‘tong buhay na ‘to”
“Ganito lang ako eh..”
“Hanggang dito lang ako.”
“Malas talaga yata ako.”
Have you ever wondered how many times
we say these things over and over again?
Araw-araw, same lines?
We say it to ourselves.
We say it to the people around us
and yet, we don’t do anything?
Nadinig n’yo na ba yung linyang:
“Lumang tugtugin na ‘yan?”
Ibig sabihin, lumang dahilan o
lumang pag-uugali na ang ginagamit natin
sa tuwing tayo ay naiipit sa isang sitwasyon.
Kasi if we keep on saying na
nahihirapan na tayo at pagod na
sa kinalalagyan natin and still
wala tayong ginagawa to get out from it..
Eh baka naman wala talaga tayong balak baguhin.
Because if we really want something to happen
kikilos tayo ngayon na.
Hindi natin habang buhay kakaawaan
ang ating mga sarili o hindi natin
hahayaang kaawaan tayo ng iba.
If we want to change something
sa buhay natin right now, we need to:
ACKNOWLEDGE THAT THERE IS SOMETHING WRONG lumang
(Photo from this Link)
Hirap na ba tayo sa buhay? Check!
Baon pa rin sa utang? Check!
Hanggang ngayon wala pa ring ipon? Check!
Nasasakripisyo at nahihirapan na ang pamilya? Check!
…ito yung mga kailangan natin aminin.
We need to be honest with ourselves
na meron talagang mali
sa kung paano natin ito hinaharap ngayon.
Oftentimes kasi we only blame
other people and the situation.
“Eh pinanganak akong mahirap eh..”
“Sila nanay kasi eh dami utang, damay damay na tuloy.”
Maaaring hindi natin ito ginusto PERO
may mali na kapag hindi tayo gumagawa ng paraan.
Yun bang nananatili tayong reklamador.
IMBIS NA MAGREKLAMO, KUMILOS! lumang
(Photo from this Link)
Wala naman magagawa ang ating negativity.
Example:
A. Traffic sa EDSA
Busina tayo ng busina,
lahat ng sumisingit sinisigawan natin.
Ang tanong, umusad ba tayo?
Lumuwag ba ang kalsada?
Hindi naman ‘di ba?
B. Na-promote ang ka-opisina
Nagparinig ng nagparinig sa Facebook,
chinismis kung kani-kanino na
kesyo hindi naman siya deserving.
Ang tanong, napromote ba tayo pagkatapos?
Napansin ba tayo ng boss?
May nagbukas ba na opportunity kaka tsismis?
Wala rin naman ‘di ba?
C. Naiinis tayo sa sarili natin dahil walang ipon
Araw araw nagagalit tayo sa mga tao,
dinadamay natin pati yung mga taong walang kasalanan.
But at the end of the day, with all the complaining,
nalagyan ba ng laman ang alkansya natin?
Nagkapera ba ang passbook?
Hindi pa rin.
Tulad sa mga bagay na kinakaharap natin ngayon,
complaining will not take us anywhere.
Sabi nga, parang rocking chair lang,
gumagalaw, pero walang pinatutungunhan.
So instead of complaining,
Why not do something about it?
Para kung yung bagay na nirereklamo natin
ay mabago at magawan na ng paraan.
CHANGE OLD HABITS lumang
Kung laging kinakapos
magbudget at mag-ipon ng pambayad sa bills,
ikonsider na umiwas na muna sa pagkain kain sa labas.
Kung gustong ma-promote sa trabaho,
mas magsipag pa at iwasang pumetiks.
Kung laging walang-ipon,
make sure na maski P50/ week ay makapagtabi.
We can do more!
We deserve more!
But it requires a change in lifestyle and habit.
Yes maaaring mahirap
but we won’t improve as a person
and our lives won’t change
kung mananatili tayong takot magbago.
Embrace the change that you need to do
para makalabas tayo sa hirap ng buhay.
Take it one day at a time
and for sure maaabot natin ito.
“Ang mga salitang, PINANGANAK AKONG MAHIRAP at GANITO NA LANG AKO ay hindi katanggap-tanggap dahil habang may buhay may magagawa pa para makalabas sa ganitong kapalaran.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong sitwasyon ang kinakaharap mo ngayon na hirap na hirap ka na?
- May ginagawa ka ba para mabago o reklamo lang ng reklamo?
- Paano mo ito sisimulan?
=====================================================
IPON KIT
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit 450 +100sf
(1 Ipon Can + 1 Ipon Diary + 1 Diary of a Pulubi)
IPON DIARY:
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“WHAT IS PROFIT MARGIN”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2M14N1z
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.