The best way I know to save money is simply saving
Kahit sabihin pa ng iba na…
“Ano ba yan, P50.00 lang per week?”
“Anong magagawa ng sampung piso araw-araw?”
One of the biggest reasons why people fail in saving
ay dahil minamaliit nila ang halaga ng kada barya.
Hindi ba’t hindi naman makabubuo
nang P100.00 kung hindi dahil sa mga barya?
Katulad din ito sa paggastos natin everyday.
Yung akala natin na tag-sampung pisong fishball sa kalsada,
tag-bente singkong renta sa computer shop for gaming,
at yung pag-sho-shopping kung kailan nasa mood.
“P500.00 lang naman yon, susweldo naman ako next week.”
“Ano ba yung P25.00 para ma-entertain sa computer gaming?”
We may not realize it by now, but think about these…
ANG MGA MABABANG HALAGANG NAGAGASTOS,
KAPAG NAIPON AY MALAKI
Hindi naman porke barya lang ang nagagastos natin araw-araw
ay wala nang malaking epekto sa financial natin.
Sabi nga nila, “every centavo counts.”
Kung early pa lang ay marealize natin ito by mind and heart,
mas maaga rin nating maisasalba ang baluktot nating financial habits.
Yung tipong bago tayo makapaglabas ng pera,
mag-iisip muna tayo ng more than twice…
“Kung bibili ba ako nito ngayon, may matitira pa bang pamasahe para bukas?”
“Kailangan na kailangan ko ba ito o hindi naman?”
“Mababawasan ipon ko dito kung gagastos na ako ngayon…”
ANG MGA GASTUSIN NA WALA SA BUDGET AY NAKASISIRA NG IPON HABITS
Ilang beses ko na rin itong nababanggit sa blogs ko.
Dapat ngayon ay hindi pa rin natin makaliligtaan to take away in our budget the unnecessary wants.
Kasi nga… unnecessary yon!
Pwede namang wala, pwede ring meron.
Kumbaga, option lang. Kayang kayang tanggalin.
Mabubuhay pa rin tayo kahit wala ang mga iyon.
Paano nga ba malalaman kung unnecessary wants na?
Those things that are permissible but not beneficial.
Examples like too much accessories, fashion wardrobes, etc.
We ourselves must initiate and start to develop good ipon habits.
Remember, time is of the essence.
Mas magandang mag-start na today while we can at early pa.
ANG IPON AY DAPAT INIIPON
I am not saying na hindi na natin gastusin ang ipon natin.
O kaya ay mali kung gagastusin ang ipon.
At the first place,
Kung alam at clear para sa atin ang purpose,
hindi tayo mamomroblema sa ating pag-iipon.
Dapat ay mas vigilant tayong mag-discern
pagdating sa negosyo, sa kaibigan, or sa family.
Ang ipon natin ay dapat literally iniipon.
Iwasan natin ang temptations sa paligid
which can cause great damage sa ating pitaka.
“Kung nakapaglalaan tayo ng barya-barya sa mga gastusin na hindi naman gano’n kahalaga, mas mabuti pang ipunin na lang ito at nang dumami pa ang pera.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang pinag-iipunan mo ngayon?
- How do you handle your savings?
- What disciplines you apply sa financial management mo?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.