Tan-tan-tanan…
Tan-tan-tanan…
Hindi ‘yan ang aking apelyido na inulit-ulit…
Ito ang madalas nating marinig kapag merong ikinakasal.
Ito ang isa sa pinaka-inaabangang okasyon ng dalawang taong NAGMAMAHALAN.
Parating nasa isipan, once-in-a-lifetime lang ang kasal, titipirin mo pa?
Dapat, engrande! Minsan lang ito, itodo mo na!
Okay lang naman ang engrande KUNG afford mo.
Kung hindi keri, eh ‘di mag-adjust.
Pero may iba na sa halip mag-adjust, ginagawan ng paraan na nagre-result lang sa UTANG.
While it’s so tempting to indulge, let us be practical.
Aanhin mo ang engrandeng kasal kung magigipit ka naman kinabukasan?
Bakit nga ba sumosobra ang gastos sa isang kasalan?
GUSTONG IMBITAHIN LAHAT
As much as we want to invite everyone mula kababata, kamag-anak, kaklase, ka-opisina, o kaibigan, honestly speaking, the more guests we have, the more expensive our wedding will turn out. Nagmu-multiply kasabay ng number of heads ang pagkain, souvenirs, invitations, etc.
Choose to invite only those na talagang may kinalaman at pakialam sa buhay natin. We don’t owe anybody an explanation kung bakit hindi sila invited. Ang totoong kaibigan, maiintindihan kung nagtitipid ka. Invited or not, they will understand, respect your decision, and be happy for you.
FEELING “CAN AFFORD”
Pinakasikat na caterer ang kukunin…
Pinakamagaling na banda o wedding singer ang ibu-book…
Pinakamagaling na photographer at videographer ang iha-hire…
Lahat ng PINAKAGUSTO nating kunin – sometimes, just to prove a point na KAYA NATIN.
Kung lahat ng ito ay susumahin natin – tiyak, hindi pa tayo kinakasal, eh lubog na lubog na tayo sa utang.
Tipong on your wedding day, nakasimangot ka nalang dahil sa kakaisip kung saan kukuha ng pambayad kinabukasan.
Of course, it feels great to get one of the best suppliers for our wedding. Pero kung hindi na kaya, ‘wag na ipilit.
Maybe you can try going for new coordinators na nagsisimula pa lang who wouldn’t charge you so much.
HINDI PINAGHANDAAN
Ang problema kasi ng iba sa atin, ang daming gusto – pero walang sapat na budget para dito. Ang dahilan? Hindi pinaghandaan o pinag-ipunan.
“Dapat sa hotel ang reception para sosyal.”
“Ay, gusto kong punuin ang simbahan ng pinakamahal na bulaklak.”
“Ang wedding gown ko, dapat gawa ng sikat na designer.”
Because of the pressure, ginagawa nating solusyon ang pangungutang o paggalaw ng lahat ng naipon para maisaktuparan lang ang gusto.
Kung may naipon para dito, eh ‘di good for you. Pero kung wala masyado, stick to what you can only afford without sacrificing or jeopardizing your family’s future.
UNNECESSARY EXPENSES
Maraming naglalabasan ngayon ng kung anu-anong pakulo to make weddings one of a kind.
While it’s nice to try and to have it for ourselves, ang bank account ninyong mag-asawa ang most likely na masisimot.
A wedding is all about us, the person we love, and God.
Oo, once-in-a-lifetime event lang ito, but it’s more important to think about how to survive the day after the wedding.
Learn to prioritize the things that you’ll only need for the wedding at gamitin lang ang matitipid sa mas mahahalagang bagay. Ang importante naman, mapaglaanan ang mga bagay AFTER the wedding.
Tandaan, ang kailangan niyo maging ay dalawang taong NAGMAMAHALAN at hindi dalawang taong NAMAMAHALAN sa tambak na gastusin at bayarin.
THINK. REFLECT. APPLY.
May plano ba kayong magpakasal anytime soon o kinasal na kayo recently?
Are you still on a budget o medyo alanganin na?
Ano ang mga pwede niyong gawin para hindi kayo mabaon sa utang?
====================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this article? Here are some other related posts on budgeting:
- Pres. Duterte Tipid Tips: Wear Something Simple
- Pres. ??Duterte? Tipid Tips: Live Within Your Means
- Pres. Duterte Tipid Tips When Buying Cars: Buy Generic, Not Branded
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.