Noong nangungutang, ang bilis mag-reply at madaling mahanap.
Pero noong time na para bayaran, bakit hindi na mahagilap?
May kilala ba kayo o naaalala?
Naranasan n’yo na bang malagay sa sitwasyon
na ilang beses tinanong, kinulit at pinuntahan,
pero ni anino ay hindi makita?
Siguro’y ang iba sa atin ay nakaranas na nito
o kaya naman ay naging ganito noon
at nagbagong buhay na ngayon nang ma-realize
na hindi pala tama at nakapeperwisyo ng kapwa.
Ano nga ba ang mainam na gawin
para ito’y ma-overcome at makabayad nang tama?
SABIHIN ANG TUNAY NA PAKAY
Mas maganda siguro kung wala nang paliguy-ligoy pa.
Mas marami ang nakaa-appreciate nang ganito.
Pero hindi rin natin masisisi ang iba kung nahihiya sa simula.
Baka kasi ay first time nilang hihiram ng pera
dahil sa naipit na sa pang-financial na pangangailangan.
Ngunit para maiwasan din ang pagbibigay perwisyo natin
sa pinagkakautangan o uutangan pa lang,
mas mabuti nang sabihin ang tunay na pakay ng pangungutang.
Para ba sa pambayad sa ospital? Renta ng bahay? Tuition fee?
Kung anuman iyon, siguraduhing malinis sa kalooban at transparent tayo.
MAG-COMMIT SA BINIGAY NA PETSA NG PAGBABAYAD
Mapalad tayo kung ang inutangan natin ay magsasabing,
“Kung kailan mo na kayang magbayad,
tsaka mo na lang ako bayaran…”
Sa totoo lang, konti na lang ang may ganitong puso
pagdating sa pagpapahiram ng pera.
Hindi rin naman siguro natin masisisi ang iba
kung bakit halos hindi na sila magtiwalang magpautang.
Pero kung nais makaulit mangutang kung kinakailangan,
mahalagang may integrity sa petsa na sinabi natin
o kaya ng pinagkakautangan natin.
This means that we are responsible for the money we borrowed.
Hindi natin sila tatakbuhan, kundi ay tumutupad tayo sa ating salita.
HUWAG MAGTAGO SA LIKOD NG PAG-AARTE
We all have our reasons when we are tasked on a responsibility we don’t like.
Parang sa pangungutang din, kung hindi natin gusto
na ma-follow up o bisitahin ng pinagkakautangan natin,
dapat ay nagbabayad tayo nang tama at sa tamang oras.
Ang magtago sa likod ng pag-aarte kung singilan
ay sumasalamin lang ng hindi pagrespeto.
Dapat tayo ay tumupad sa usapan.
Kung dumating ang araw ng deadline ng pagbabayad
at tayo ay alanganing makabayad, pwede naman siguro tayong makiusap.
Provided that the next time we set a deadline, magbabayad na tayo on time.
Hindi tayo mag-iinarte o kaya naman ay gagawa ng ‘di nararapat.
“Pag sinisingil ang mga nangungutang, parang action star kung tumakas. Pero noong lumapit at nangutang, nag-dramang parang pang-famas.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Nakababayad ka ba ng utang on time?
- Nakararamdam ka ba ng hiya kung sa tingin mo ay baka ma-delay ang bayad mo?
- Ano ang ginagawa mo kung singilan na?
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.