Napakarami ang gustong magnegosyo.
Pero marami ring ayaw mahirapan.
Gusto, pagkabukas ng business,
money, money, money na kaagad.
Ayaw dumaan sa mga pagsubok.
At dahil hindi naman ganito ang sistema,
kapag naka encounter ng problema,
susukuan kaagad.
“Ayoko na, ang hirap!”
“Ganito pala magnegosyo, walang pahinga”
“Kala ko naman madali lang”
If we look at it this way,
eh talagang hindi nga tayo tatagal.
Kasi we only did it because we think
it is promising and not because
gusto talaga ng puso natin.
Kung ganito na rin lang,
Suggest ko sa ‘yo?
HUWAG KA NA LANG MAG NEGOSYO.
“Harsh mo naman Chinkee!”
“Parang ayaw mo naman kami umasenso”
No, it’s not that.
What I am trying to say is,
Huwag tayong magnegosyo kung…
AKALA NATIN MADALI LANG magnegosy
(Photo from this link)
Nako kung mahirap maging empleyado,
mas mahirap maging isang negosyante.
Sa career na ito, lahat tayo ang gagawa.
Tayo ang magbubukas, magsasara,
mag-i-inventory, magbabalanse,
mag-momonitor ng kita, magbabantay
at magte-train ng staff, sasalo ng problema,
at marami pang iba.
Kaya kung tatahakin natin ito,
dahil tingin natin ay madali lang,
Think again.
Walang madali sa isang negosyante.
Naka survived at nagtatagumpay
ang karamihan dahil ang kanilang
puso ay nasa pagnenegosyo o
yung tinatawag nating PASSION.
Meaning, kahit mahirapan, kahit matagal,
magti-tiyaga at gagawin ang lahat.
Kung hindi natin kaya, o hindi tayo willing,
huwag na lang muna.
AKALA NATIN YAYAMAN TAYO KAAGAD magnegosyo
(Photo from this link)
Kung nakikita natin ang iba na
yumaman dahil sa pagnenegosyo,
ito’y dahil sa sipag at diskarte na
binuhos nila nang MATAGAL NA PANAHON.
Tama kayo ng nabasa, MATAGAL.
Wala naman kasing yumayaman
agad agad pagkabukas na pagkabukas
pa lang ng negosyo.
Kung tayo yung taong:
“Dapat in one month ROI na ako”
“Kapag ‘di pa ako kumita ng 3 mos, ayoko na”
Eh baka hindi para sa atin ang pagnenegosyo.
Kasi sa attitude na ganito, minamadali natin.
Ang tinitignan lang natin yung kitang papasok
imbis na tutukan muna natin
kung paano mapalalaki at mapalalago ito.
Tandaan na earnings will follow
if we will work hard first for it.
Hindi ‘yan parang prutas sa puno na
bigla na lang nalalaglag maski
wala tayong ginagawa.
AKALA NATIN HINDI NA KAILANGANG MAG-IMPROVE magnegosyo
(Photo from this link)
Ano ang ibig ko sabihin?
“Okay na ito, kilala naman na business ko”
“Lalapit naman sila sa akin, ‘di ko na kailangang mag effort”
“Hindi na kailangan, gastos lang ‘yan”
Nako KaChink,
Ang tunay na negosyante,
mapa starting lang o sikat na,
our business needs to improve.
Sa marketing, produkto,
skills natin at ng mga tao,
at yung mismong negosyo natin
kailangan lagi ng update at upgrade.
Kung wala ito, mapapag-iwanan tayo.
Darating at darating ang panahon na
mas tatangkilikin ng iba yung
negosyong may ino-offer na something NEW.
Kaya dapat makipagsabayan tayo.
Ano ba yung uso ngayon?
Ano ba yung hinahanap ng tao ngayon?
Always consider that.
Iyan ang tunay na OPEN-MINDED.
“Kung tingin natin ay easy money at madali lang patakbuhin ang negosyo,
nagkakamali tayo. Kailangan nating dumaan sa butas ng karayom, bago makamit ito.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- May balak ka bang magnegosyo?
- Ano yung mga MALING akala mo tungkol dito?
- Willing ka ba dumaan sa karayom bago magtagumpay dito?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.