Kapag kasama ang pamilya, simple manamit.
Nung may reunion with college friends
aba, biglang namili ng branded na dress and bag
para ‘sossy’ pag nagkitakita.
Kapag sa bahay simpleng pagkain masaya na.
Nung get together with kumares,
“Ay, I don’t eat that eh” na ang linya!
Meron namang cellphone,
gumagana, nakakatawag, nakakatext,
at nakakapag YouTube and music pa nga
pero nung tinanong anong model ng cellphone,
“Mm, iPhone 4, pero hindi sa akin ito ah. So old school”
Bakit kailangan natin magpanggap sa
harap ng ibang tao?
Ano bang nakakahiya?
Eh ano naman kung simple lang tayo
at ito yung nakayanan natin?
As long as wala naman tayo nasasaktan,
naaapakan, o naaagrabyado,
wala tayong kailangan itago
at hindi natin kailangan ikahiya
kung anong meron tayo.
Sabi nga sa isang commercial,
MAGPAKATOTOO KA!
Paano? Ano pa ang ibang paraan?
HUWAG MAKISALI SA PANINIRA PARA LANG IANGAT ANG SARILI
(Photo from this Link)
Kapag yung kaibigan natin naninira ng iba
Halimbawa:
“Tignan mo yung suot niya, ano ‘yan?”
“Psst. Tamo, nakakatawa itsura niya!”
“Ang panget ng presentation niya!”
Huwag na tayo makisawsaw na:
“Oo nga!”
“Hahaha. Grabe siya!”
Lalo na kung hindi naman talaga natin ugali.
Kasi mamaya sinasabi lang natin
para lang masabing “We belong”.
Huwag gano’n.
Instead of forcing ourselves to do
what they do kahit na mali,
do what we think is right.
Suwayin natin or pagsabihan.
Or better yet, stay away from people
like them na walang ginawa kundi mamintas.
ACCEPT WHO YOU ARE AND WHAT YOU HAVE magpakatotoo
(Photo from this Link)
Hindi porket may mga bagay na wala tayo
eh ibig sabihin we are any less.
Higit pa tayo sa bawat magagarang
damit, bag, o gadget.
Nandyan ang ating talino, talento,
at abilidad that makes us who we are—
Yun pa lang, napaka PRICELESS na!
Ito yung mga dapat natin ipinagmamalaki.
Kung may gusto tayong marating o
bagay na gusto mabili, pwede naman.
Pagtrabahuhan ito at matuto maghintay.
Nothing happens overnight.
ALISIN ANG TAKOT SA KATAWAN magpakatotoo
(Photo from this Link)
“Baka kasi hindi ako tanggapin”
“Nakakahiya eh ganito lang ako”
“Wala na akong magiging kaibigan”
Friend, sa dami ng tao sa Pilipinas,
imposibleng wala tayong makikilalang tao
na tatanggapin tayo sa kung ano tayo.
Just be yourself.
Ilabas ang tunay na ikaw.
Masayahin?
Kwela?
Simple?
Go ahead.
Huwag natin ikulong ang sarili natin
dahil lang sa takot mawalan ng kaibigan.
Believe me, the more we hide,
the more we might lose our friends lalo na
kapag nalaman ang totoo.
“Hindi tayo ipinanganak sa mundo para i-please ang ibang tao
Kaya mabuhay tayo nang totoo at walang halong pagbabalat-kayo”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kanino ka mahilig magpanggap?
- Bakit kailangan magtago?
- Paano mo mailalabas ang tunay na ikaw?
=====================================================
IPON KIT (Ipon Can + My Ipon Diary Book)
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit P300 +100sf
IPON DIARY:
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“Bakit ang Hilig nating Manggaya?”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2kwkbXa
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.