Minsan mo na bang naisip magresign
dahil sa pagod at gabundok na trabaho?
Ilang beses ka na ba nag-attempt na
isubmit ang resignation letter o
magsabi ng iyong plano kay boss o manager?
Bakit hindi natutuloy?
Bakit parang laging may pumipigil?
Malamang sa malamang ay dahil
sa ating mga nakahilerang bills.
Kapag nagresign tayo
paano yung bayarin sa tubig at kuryente
na mag du-due na sa isang araw?
Paano yung tuition fee ng mga anak
ngayong darating na pasukan?
Ang hirap ‘di ba?
Parang yung kantang
“Torn between two lovers” ang peg.
Gusto natin umalis pero
gusto din nating manatili.
Sa mga pagkakataong naiisip natin ito,
ano nga ba ang dapat gawin?
ASK YOURSELF “WHY?” magresign
(Photo from this Link)
Bakit gusto natin mag-resign?
Dahil ba…
- Madaming trabaho?
- Demanding si boss?
- Chismosa ang mga kasama?
- Mahirap ang pinapagawa?
KaChink, walang nagtatrabahong hindi nahihirapan
at kahit saan din tayo pumunta
meron at meron tayong makakasamang tao
na maaaring hindi natin magustuhan.
In short, wala tayong kawala.
Kahit pa lumipat tayo sa iba.
Hindi natin maiiwasan ang mga ganito.
Ang kailangan lang natin gawin
ay tatagan ang loob at gawin ang nararapat.
Focus lang sa trabaho, sooner or later,
we will reap what we sowed.
HUWAG MASYADO SENSITIVE magresign
(Photo from this Link)
Kung parati na rin lang natin paiiralin
ang emosyon sa bawat eksenang
nagaganap sa opisina,
lagi lang natin iisipin na mag-resign.
Kung parati na lang may meaning sa atin
ang bawat kibot, hindi tayo matatahimik
at makakapag-concentrate sa trabaho.
Kung napagalitan, isipin kung bakit
at kung paano tayo mag-i-improve.
Gawin muna ang dapat gawin
bago pa man tayo umayaw.
Kung sila ang may mali,
daanin muna sa usapan para maayos pa.
MAGPASALAMAT SA TRABAHO magresign
(Photo from this Link)
Kahit gaano pa kahirap o
ka-toxic ang environment,
matuto tayong magpasalamat at
hindi puro reklamo lang.
“Ayoko na, I QUIT!”
“Hay nako, kainis tinambakan na naman ako!”
“Mag file ako sick leave kuno, bahala sila diyan.”
Ay sayang naman kung
binabalewala lang natin ang oportunidad.
Alam n’yo bang sa bawat
pagtatapon ng chance,
gano’n din kadami ang:
- Naglalakad sa ilalim ng araw at iniisa-isa ang kumpanyang pwedeng aplayan.
- Nagsa-submit sa daan-daang kumpanya sa mga job sites for weeks and months na. Pero hindi pa rin natatanggap.
- Nagmamakaawa at nagdarasal na magkatrabaho na kahit magkano lang para lang may ipantawid.
Imagine the pain that it does to them.
Samantalang tayo, eto na, may trabaho na.
Kailangan lang nating matutunang mahalin
at pahalagahan.
Kung apektado na ang kalusugan,
sige go ahead, because health is wealth.
Pero kung kaya pa labanan, kaya pa ng katawan,
at kaya pang baguhin ang perspective,
try to stay. Try hard to make it work.
“Sabi ng katawan at isip: “Magresign na at magpahinga.”
Pero sabi ng mga bayarin: “Go lang! Kaya mo yan.. Ikaw pa!”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Naisip mo na rin bang mag-resign?
- Bakit at sa anong dahilan?
- Paano mo lalabanan ang urge to resign?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“IMPULSE BUYER KA BA”
Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/5zl-97VgeUU
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.