Ever experienced na sa sobrang eager nating makatipid,
pati yung mga tindang mababa na ang presyo ay tinatawaran pa?
O kaya naman ay hahayaan natin
na ang iba ang gumastos for us,
kahit kaya naman nating gastusan ang sarili?
Umabot na ba tayo sa point na nakasanayan na ito?
Kaya we enjoy na lang mga libre at mga bigay?
In a way na baka masyado na tayong nakaaabuso?
Hindi naman sa mali ang pagtitipid, mga KaChink.
Meron kasi yung pagtitipid na nasa tama,
at meron ding pagtitipid na wala sa lugar.
Yung tipong puro sarili na lang ang iniisip para makatipid.
Here are some ways on how to save correctly:
I-BUDGET NANG TAMA ANG PERA
Dito tayo madalas sumasablay. Tama ba? Ha-ha!
Yung feeling na sa dami ng bayarin sa bahay at iba pang loans,
parang hindi na umuubra yung pag-ba-budget natin minsan.
Naranasan n’yo na bang lumagpas yung mga bayarin
kaysa sa actual income natin? Bakit kaya?
Baka naman nagkulang tayo sa tamang pag-ba-budget?
We all have our own structures kung paano ang budgeting natin,
lalo na sa mga may pamilya at may sinusuportahan financially.
What we can improve right now is how we prioritize it
according to the needness of each item.
For example:
Laptop (loan) – P2,000 per month
Rice (1 sack) – P2,500 per month
Electric Bill – P3,000 per month
Shopping – P5,000 per month
Kung titignan natin, ano ang mas need i-prioritize?
From here, pwede natin i-eliminate yung negotiables
at ipagkasya sa actual net income natin.
Let’s also make it realistic and measurable.
MAGTIPID NANG TAMA
Hindi natin maiwasan minsan na umabot sa point
na lumalagpas ang halaga ng ating gastusin sa kung ano ang nai-budget.
Hindi rin maiiwasan na kung minsan ay kailangan natin
na tawaran yung mga bilihin lalo na kung sa palengke,
tiangge at kung saan pang public shop o market.
Sa kagustuhang makatipid, minsan we are tempted
to compromise our honesty in such a way na minsan
ay nadedehado na ang kapwa natin negosyante.
Don’t let ourselves do this, mga KaChink.
Dapat lagi tayong magbayad ng tama at may katapatan.
Lalo na kung sa araw ng bayaran sa tax.
Sabihin man ng iba na maliit na bagay ito,
pero dito nasusukat kung paano dapat tayo mapagkakatiwalaan
lalo na ng Diyos sa mga biyayang ipinagkakaloob Niya.
IWASANG MAGPALIBRE NANG MADALAS
Let us not take advantage the kindness
at capacity ng ibang tao para paggastusan tayo.
Katulad natin, pinaghihirapan din nila yung pera.
Kung i-bless nila tayo out of the abundance of their hearts,
let us be thankful and praise God dahil sa kabutihan nila.
Kung gawin man nila itong madalas kahit na nahihiya na tayo,
let us remain grateful and find opportunities to become a blessing to them as well.
It’s also nice to affirm to people who do us good things
that they are actually doing good and we are blessed to have them.
Hindi para abusuhin ang kabaitan nila at generosity.
Let us also pay it forward to others especially those who are in most need.
Nang sa gano’n din ay maging blessing tayo sa iba.
“Hindi naman masama ang magtipid. Nagiging masama lang ito kung manggugulang tayo para lang makatipid.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga paraan ng pagtitipid mo?
- Nakatutulong pa rin ba ito para sa iba o nakaaabuso na?
- Paano ka makakatipid ngayon nang buong tapat?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.