I recently got an email from the misis na medyo nagiging emo dahil hindi daw siya pinapakinggan ni mister ang mga suggestions niya.
Do you have the tendency to look down on your spouse?
Bina-balewala ang kaniyang opinyon?
(Photo from this Link)
Huwag natin maliitin ang ating asawa.
Hindi porke’t limitado ang naiintindihan niya sa work mo, it doesn’t mean na wala siyang alam.
Maaaring hindi niya gamay ang field of expertise mo, pero marunong naman siyang makaramdam kung sino ang mga tunay mong kaibigan at sino ang mga nanggagamit lamang.
How many times has your spouse warned you but you did not listen and in the end you got hurt?
How many times has your spouse advised you not get into the business deal, pero sa sobrang excitement mo, hindi ka rin nakinig at ang ending, nalugi ka.
How many times ka sinabihan ng asawa mo na huwag mong itodo yung savings sa isang investment , pero sa sobrang laki ng interes hindi ka matanggi. Ang ending, nawala tuloy ang perang iyong pinaghirapan dahil nabiktima ka ng scam.
At the end of the day, ang asawa mo ang kakampi mo.
Hindi mo siya kaaway.
Magkatuwang kayo sa buhay at hindi dapat magsisihan.
(Photo from this Link)
Gets niyo?
YOU ARE A TEAM.
If ever may nasira na sa iyong samahan, please try your best to mend it. Hurting and blaming one another is not the solution. So what if you have proved that you are right and your spouse is wrong? At the end of the day, you both still lose.
Walang nanalo. Lahat talo.
Panahon na para itigil ang giyera. Truce muna!
Somebody should wave the white flag.
Ibaba muna ang pride.
Mag pakumbaba muna at pilitin na ayusin ang inyong samahan.
“Wala pa rin tatalo sa buhay mag-asawa kung kayo ay nagkakaisa”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kapatid, ikaw ba ay nakikinig sa misis o mister mo?
- Binibigyan mo ba ng halaga ang kanyang sinasabi bago ka mag desisyon?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.