Bakit kaya ganito?
Ikaw na nga ang na-utangan, ikaw pa ang nahihiya maningil.
Kahit madalas kayo magkita, ni wala man kusang magbayad.
Minsan naglalaro pa sa iyong isipan..
Kapag siningil ko, baka masira ang pagkakaibigan namin…
Kapag hiningi ko na ang utang, baka hindi nako kausapin…
Kapag sinabi kong kailangan ko na, baka hindi na ako pansinin..
Ito yung mga bagay na naglalalro sa isip ng isang taong nanininigil.
Hindi nila alam kung ano ba ang mas matimbang pera o pagkakaibigan? Torn na torn, ika nga.
What’s ironic about this is tinulungan mo na nga sila, kapag singilan time ikaw na ang masama. Para tayo nagiging masamang tao sa mata nila.
Kaya sa susunod, maging mapanuri kung ikaw ay magpapahiram pa rin sa mga kamag-anak at kaibigan.
As I always say, “Kung ayaw mo na makita ang isang tao, pautangin mo ng pera.”
Para sa mga taong may utang at wala ng planong mag bayad.
“Ang pera pwede muling kitain, pero ang tiwala, mahirap maibalik.”
Para sa mga taong nagpa-utang at nahihirapan maningil.
“Matuto na sa pagkakamali at huwag na sana ulitin ito.”
Ang isang mahalagang tanong na kailangan ma sagot sa mga taong nahihirapan maningil. Are you willing to let go and let God?
Ipa sa Diyos mo na lang?
Or ipaglaban mo?
I hope this blog has enlightened you to become a wiser person.
Para sa mga taong hindi pa na-uutangan, mag-isip ka muna mabuti bago magpahiram. Oras na naibigay mo na yan, hindi mo na siya hawak at wala ka ng kontrol.
So decide on how much you are willing to extend para kahit hindi isoli hindi ka mahihirapan.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw, meron ka bang pinahiram na pera na hanggang ngayon hindi pa binabayaran?
- Nahihirapan o nahihiya ka ba maningil?
- Kailangan mo na bang kausapin ng masinsinan o i-let go na siya?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.