What if nanalo ako sa lotto?
What if I have everything I ever dreamed of?
What if meron akong maraming kotse?
What if mas mayaman ako kaysa sa kapitbahay namin?
What if maginhawa lang sana yung buhay namin ngayon?
Have you ever thought of these questions?
Hindi na siguro tayo makatulog sa dami ng “what ifs” natin. Ha-ha!
Minsan naghahangad pa tayo ng sobra sa kung anong meron tayo.
Pero hindi lang natin napapansin,
we already have everything we need.
Masyado lang sigurong nakatingin yung mata natin
sa kung ano ang meron sa iba.
Here’s a “rule” about life that we should break:
NEVER EVER COMPARE.
Whether career, bank account, family, and status quo pa ‘yan.
“Bakit naman Chinkee?”
COMPARING MAKES ROOM FOR ENVY
We might not be aware of the things we are thinking
the moment we look at others’ possessions or life status,
but the fact na magkaroon tayo ng desire na gustuhin na rin
kung ano ang meron sila with no apparent reason is dangerous.
Let us ask ourselves kung sa tingin natin ay may mali na
the way we evaluate and observe the things around us.
We can ask ourselves these:
“What for at gugustuhin ko ring bumili ng kotse?”
“What is the purpose of buying a lot and construct a house
kung may bahay naman na kami at sapat na?”
“Why do I keep on comparing my life to others?”
The moment we ask ourselves these questions,
it’s like we are creating our own trap.
Digging a hole of greed and envy
because we keep on comparing our life to others.
IT DEVELOPS CORRUPT CHARACTER
Envy also develops corrupt character.
Yung akala natin na wala lang yung simple pero madalas na
pagkukumpara ng ating sarili sa iba ay nagde-develop na pala
ng uncontentment and envy to the point na sa kagustuhan natin
na mahigitan ang iba and to possess almost everything
ay nakasasakit na pala tayo ng tao.
Whether verbally, non-verbally o kahit sa isip lang.
Among the things that envy can ruin in our lives
is our character and the beauty of having a genine heart.
In short, nadudungisan every time na nakararamdam tayo ng inggit.
Na pwedeng makapag-hanap ng kaaway sa halip na kaibigan.
Walang katahimikan sa pagtulog at saloobin.
Kaya’t sa halip na kainggitan natin ang ibang tao, let us…
BE HAPPY WITH OTHER’S SUCCESS
We are growing to mature physically, mentally, emotionally and spiritually.
Putting down others because of what they achieved,
and comparing ourselves and our achievements to them
are signs of being immature and it shows that we are not yet ready sa
hamon ng buhay. Kung sa tingin natin ay may higit na halaga
ang success ng iba tao kaysa sa atin,
we are looking at life the wrong way.
Instead of wishing to acquire what others have
just to fit in the society, why not be grateful instead?
Magpasalamat, maging masaya sa naabot ng kapitbahay,
kaibigan, relatives at kahit mga kapatid sa sarili nating tahanan.
“Imbis na mainggit tayo sa tagumpay ng ating kapwa,
suportahan na lang natin at maging masaya tayo para sa kanila.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Madalas ka bang mainggit?
- Ano ang nasasabi mo sa sarili everytime na mapuna mo ang tagumpay ng iba?
- Can you name a person whom you can tap and say “I am happy for you”?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.