Ano ba ang magandang lalaki at
magandang babae para sa iyo?
- Maganda ang pangangatawan?
- Makinis ang balat?
- Maayos ang pananamit?
- Malinis tignan?
- Mabango?
Iyan ang kadalasan nating
qualifications bago natin sabihing
maganda o gwapo ang isang tao.
Totoo naman ‘yan.
Pero alam n’yo yung isa pang category?
Yung taong MAY IPON at LAMAN ANG BULSA.
“Chinkee, hindi naman nila malalaman ang totoo.”
Gaya nga ng sinasabi natin noon
na ang kagandahan ay wala sa
panlabas na anyo.
Ang importante pa rin ay yung
kalooban at kakayahan nating
gawing kumportable ang buhay
natin at ng buong pamilya.
Ang tunay na maganda at gwapo ay…
HINDI UMAASA SA IBAgwapo
(Photo from this Link)
Ang ganda nga ng pormahan natin,
naka kun-todo ayos pa pero
‘pag importanteng bagay, ang senaryo:
“Uy ikaw na magbayad niyan ah.”
“Sagot mo na yan!”
“Ikaw na bahala diyan, liit ng sahod ko.”
“Paki bayaran mo na muna kuryente natin.”
Ang issue pa dito,
may mga trabaho naman tayo pero
inaasa pa natin pati ang mga
maliliit na bagay sa ibang tao.
MAY LAMAN ANG WALLET AT ATM gwapo
Wow na wow nga ang ayos natin
pagsilip naman sa wallet at ATM
imbis na pera ang laman
ayun, langaw.
Nilalangaw dahil walang laman.
Kapag may kailangan tayo,
may emergency, o kung ano man,
babalik ba tayo sa #1?
Meaning, aasa sa iba?
Dapat hindi.
Dapat kaya nating isalba ang
ating mga sarili sa oras ng kagipitan.
So when these things happen
handa tayo at hindi nalilimitahan
dahil lang sa wala tayong perang nakahanda.
HINDI PURO PORMA LANG, MAY IBUBUGA DIN
(Photo from this Link)
Ang tunay na gwapo at maganda hindi yung
mayabang lang sa social media.
- Maglalagay ng #ootd o #blessed
- Picture-picture na nakaharap ang tatak ng bag
- Selfie using the latest gadget na nabili
Tapos kapag bayaran time na,
walang mailabas na pambayad.
Naka installment dahil hindi kaya ng buo,
Hindi na kumakain makatipid lang, o kaya
halos araw araw ang overtime mabawi lang…
Hindi po gano’n.
Dapat:
PORMA + IPON= perfect combination!
“Bakit kaya ang lakas ng dating ng taong maraming datung?
Gumaganda at gumagwapo ‘pag maraming pera at mayroong ipon.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ay gwapo at maganda dahil may ipon o dahil sa porma lang?
- Papaano mo ito babalansehin?
- Kung pormang panlabas lang, ano gagawin mo para makaipon?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“POINTERS ON LENDING ”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2mVmZxA
=====================================================
BOOKS
MY IPON DIARY (NEW!!!!)
Will be available on January 22, 2018!
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100
Bulk Order Promo
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.