Mahirap maging mahirap. ‘Yan ang lagi kong sinasabi kaya naman hindi ako nagpatinag sa kahirapan para pigilan ang sarili ko sa pag-abot ng aking mga pangarap.
Dahil naranasan ko rin ang maging mahirap, sa murang edad pa lamang ay nagpursige na ako na makaahon sa kahirapan para na rin sa aking mga magulang.
Kaya alam ko na kung walang pera, ang tanging solusyon ay maghanap ng mapagkakakitaan. At hindi kailangan ng pera para maging successful, dapat ay mayroon tayong
DRIVE
“Ang ganda ng bahay nila. Balang araw magkakaroon din tayo nun.”
Kailangan uhaw tayo para makamit ang ating gusto. Hindi ito inggit o ganid, kundi motivation para hindi tayo huminto. Kasi kung wala tayong drive, kapag may dumating na pagsubok, tiyak aayaw na tayo.
Kasi wala tayong inspirasyon at pinaglalaanan ng gagawin natin. Kaya dapat panghawakan natin ang ating mga inspirasyon. Kailangan din na mayroon tayong
DETERMINATION
Ito naman yung kabuohan ng loob natin na gawin ang mga bagay kahit alam nating may chance na magkamali tayo. Ang determinasyon ay hindi basta-bastang nabubuo.
Kailangan ng mga karanasan sa buhay upang mabuo ang ating pagkatao at kalooban. Hindi ito nakukuha sa ibang tao kundi binubuo ito sa ating isipan.
Mahalaga ang mental toughness. Hindi pwede na hayaan na lang natin na magkamali tayo palagi, dapat ay may matutunan tayo sa bawat pagkakamali na nagawa natin.
At sa bawat pagsubok, mas nakikilala natin ang ating sarili at kakayanan at mas nalalaman natin ang ating
PASSION
Ito yung bumubuhay sa atin. Kumbaga sa sasakyan, ito ang gas. Ito yung nagpapaalab sa ating puso upang gawin ang gusto natin at mahal na mahal natin.
Kaya ko nasabi na hindi kailangan ng pera para maging successful dahil ang drive, determination and passion ay hindi naman nabibili.
Nasa atin ito mismo kung gugustihin ba nating maging matagumpay sa buhay o magse-settle na lamang tayo sa kung nasaan tayo.
Kaya mahalaga na protektahan natin ang ating damdamin at ang ating isipan. Huwag nating sayangin ang bawat panahon na magpapahina ng ating damdamin at makasisira ng ating isipan.
“Hindi mo kailangan magmula sa mayamang pamilya para lamang magtagumpay,
dahil ikaw mismo ang gagawa at bubuo ng kwento ng sariling mong buhay.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Paano mo ginagamit ang iyong mga kaalaman?
- Ano ang nagpapalakas ng iyong determinasyon?
- Sinu-sino ang mga inspirasyon mo sa buhay upang magtagumpay?
——————————————————–
Sali na sa “JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now! Asenso Later!” Online course and learn how to build your business from scratch. Ito pa, may ONE YEAR ACCESS pa! You can watch it anytime, anywhere for P799!
Register Now! Hurry and don’t miss this out!
Click here to reserve your slots: https://lddy.no/8var
**For a limited time only, you can access ALL 13 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8vbk
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.