When you wish upon a star
Makes no difference who you are
Anything your heart desires will come to you.
This is from the famous song of the movie Pinocchio.
Nangangarap si Geppetto na gumagawa ng puppet na magkaroon ng tunay na anak. Dahil sa kanyang paniniwala at pananalangin nabuhay ang kanyang nilikhang puppet.
Pag nagbabalik tanaw ako sa napanood kong pelikula, it gives me so much hope, na pwede pala matupad ang pangarap mo.
Wala pala impossible sa Diyos.
Para sa mga taong nanalangin at nanalampataya, hindi sila nawawalan ng pag-asa.
Kaya kahit anong mangyari.
Kahit hindi pa rin maganda ang resulta ng iyong ginagawa.
Kahit ang dami pang kumokontra.
Kahit napakasakit ng iyong pinagdadaanan.
Kahit wala pa ang naniniwala at pinagtatawanan.
Bakit…
Hindi naman sila ang tutulong sayo.
Hindi naman sila ang mag-aangat sayo.
Hindi naman sila ang magbibigay sayo ng lakas ng loob.
Huwag mong silang pansinin.
Huwag kang mag paepekto.
Huwag kang aayaw at bibigay.
“Kahit anong mangyari, HUWAG KANG AAYAW AT BIBIGAY! LUMABAN KA!”
-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kapatid, kamusta na ang iyong pangarap?
- Buhay pa ba?
- O ninakaw na?
- Handa ka bang lumaban?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.